Showing posts with label yosi. Show all posts
Showing posts with label yosi. Show all posts

Thursday, August 15, 2013

Euthanasia (reblog)

Bilang pag-gunita sa ikatlong anibersaryo ng kamatayan ng aking ama muli kong ipapaskil ang akdang isinulat ko para sa kanya. Ang kwento ng mga huling sandali ng kanyang buhay, ang istoryang tungkol sa paglaban, pagsuko at pamamaalam.
* * *
Nakapanglulumo.
Tila naka-uubos ng lakas at katinuan ang eksenang tumatambad sa akin sa tuwing ako’y papasok sa silid na ito ng pagamutan. Walang puwang ang kasiyahan kung sa bawat paling ng iyong leeg, bawat sulyap ng iyong mga mata, bawat hakbang ng iyong mga paa ay pulos pasyenteng may iba't ibang karamdaman na nakaratay ang iyong mamamasdan; mga taong humihiram ng karagdagang oras ng buhay sa aparatong nakakabit sa kani-kanilang katawan.

At isa sa mga nakaratay na iyon ay ang aking ama.
Ilang linggo na rin siyang naririto, pilit na nilalabanan ang sakit na nagpapahirap sa kanyang bawat kalamnan. Bago pa ito'y ilang beses na rin siyang nagpapabalik-balik sa mga dalubhasa saiba’t ibang pagamutan; para siyang isang pusakal na hindi maiwasang maglabas-masok sa bilangguan; parang kirot na sa kanya'y parating dumadalaw pansamantalang lumilisan ngunit matagal na nananahan.

Bawat hinaing niya'y akin ding nararamdaman ang sakit na kanyang nararanasan, sa bawat daing niya'y tila hinihiwa din ang himaymay ng aking puso. Higit sa sakit at kirot mas nangingibabaw sa akin ang labis na pagkahabag at awa.
Ang larawan ng aking ama'y tulad rin ng maraming amang pigil ang emosyon, kinikimkim ang damdamin at kung matuwa ay palihim. Mula pa sa aking pagkapaslit hanggang sa ako'y magkamalay nagisnan ko nang siya'y ganyan ngunit sa pagkakataong ito'y nakikita kong siya'y nahihirapan, dumadaing at lumuluha.
Ilang anak ba ang kayang tiisin ang ganitong pangyayari?
Sinong anak ba ang hindi maantig sa kalunos-lunos na kalagayan ng kanyang sariling ama?

Ang kanyang dating matikas na katawan, ngayon ay pispis na at said na ang lakas;
ang kanyang bibig na palaging may nakasuksok na yosi noon, ngayon ay may plastik na tubo na daluyan ng hanging binabayaran na nagmumula sa isang cylinder na gawa sa metal;
ang kanyang matikas na tinig na parang sa hari na kanyang ginagamit sa tuwing kami'y pinagsasabihan dahil sa aming kakulitan noon, ngayon ay paos na at humahabol sa kanyang bawat paghinga;
ang kanyang mga kamay na ginagamit niya noong pangdisiplina sa aming magkakapatid ay hindi niya man lang maiunat at maiangat ng matagal ngayon.
Kung alak ang palagi niyang nilalagok noon, ngayon ay iba't ibang uri na ng gamot at medisina ang kanyang iniinom; pamatid-kirot. Ang alak at sigarilyo na kanyang matalik na kaibigan noon ang siya ngayong tumutugis sa kanyang kalusugan.

Habang mugto kong minamalas ang kanyang kahabag-habag na kalagayan siya'y tumitig sa akin at minuwestrang nais na niyang umuwi, umiling at wari'y sinukuan na ng pag-asang bumuti at gumaling.
Ilang araw lang ang nakalipas nang matapat na kaming sinabihan ng doktor na ang kanyang karamdaman ay malabo nang malunasan. Ilang linggo, araw o oras na lang ang hihintayin at dapat ng asahan ang hindi inaasahan.
Ito ba'y kanya na ring naramdaman?
Paano mo haharapin ang ganitong uri ng sitwasyon?
Iilang matapang lang ba ang kayang harapin ang kanya mismong katapusan?
Ngunit bilang anak marapat lang na gawin mo ang lahat at buo mong kakayanan upang madugtungan pa ang oras na pananatili sa mundo ng iyong ama kahit katumbas nito'y pagod na isip at katawan, hirap at pighati sa kalooban at paggugol ng salaping pangtustos sa bawat araw na kanyang pananatili sa silid na ito at sa medisinang magdudugtong sa kanyang paghinga sa tuwing ika-anim na oras.

Kasabay sa pagkaubos ng aming pag-asa ay ang unti-unting pagkaubos ng pondong pandugtong sa buhay ni itay. Balot na ng lungkot ang aking lumuluhang damdamin at hindi na mawari kung ano ang isusunod na magiging pasya.
Makabubuti ba talagang wakasan na ang paghihirap na nararanasan ng isang may karamdaman?
Anong ganda ang maidudulot nito kung katumbas nito ay ang pagkabatid mong agad na paglisan ng iyong mahal sa buhay?
Ito ang sandaling kahit na anong maging iyong pasya ay mali, ang sandaling ni sa panaginip ay hindi mo pinangarap at inisip. Ngunit kailangan nang isang pagpapasya.

Sumasabay sa patak ng ulan ang luha kong aking pinigil sa loob ng silid; ang kidlat na aking naririnig ay parang aking sigaw na pinipilit ikubli, ang kadiliman ng paligid ay katulad ng akin ngayong nararamdaman; kalungkutan.
Kung naiipon lang ang lakas ng loob, iyon ang aking gagawin upang walang pangamba akong haharap sa aking amang iginupo ng kapusukan, ng kabataan, ng karamdaman. Walang salitang makakapagpakalma sa aking nararamdaman sa sandaling ito, pilit kong pinasisinungalingan na ang nagaganap ay hindi katotohanan ngunit anumang dagdag na pagtanggi ay lalo lang nagpapahirap sa aking kalooban. Mas maraming katanungan kaysa kasagutan ang bumabagabag sa aking isipan.

Nakakagago.
Isang abnormal na pagpapasya ang aking ginawa. Kinailangan pa naming umupa ng taong may sapat na tapang at lakas ng loob na magpapatid ng kung anumang instrumentong nagdudugtong sa gahiblang pagitan ng buhay at kamatayan.
Kung ito'y isang pagkakasala sana ay mapatawad ako sa pasya kong ito. Patawad dahil sa sandaling iyon hindi ko na batid ang mali sa tama. Isinama ko na rin sa paghingi ng tawad ang lahat ng kasalanang nagawa ng aking ama; lantad man o hindi nailahad.
"Panginoon Kayo na pong bahala sa kanya".

Sadyang napakabilis ng oras kung ang bawat sandali'y iyong pinahahalagahan parang isang kidlat na kumislap na sa isang iglap ay maglalaho. Ilang oras makalipas na marating ang kanyang tahanan tuluyan na ngang si itay ay nagpaalam. Ang tinuran ng doktor na asahan namin ang ‘di namin dapat asahan ay amin na ring inasahan ganunpaman nagdulot pa rin ito ng labis na pighati at kalungkutan.
Wala na nga si Itay ngunit ang kanyang mga aral at pangaral ay pipilitin kong isabuhay at isapuso hangga't ako'y nabubuhay.

Wednesday, May 5, 2010

death for sale



"smokers never grow old, because they die younger"

i really like to write a blog about cigarettes and discuss how dangerous & harmful it is to our body & of course to our society. i know this is an interesting topic to talk & to enlighten some people who still wants to smell the aroma of the cigarette. It is said & estimated that every minute about 7 people die to tobacco use so if you want to die young and be in statistics just keep on smoking.

COMMON DISEASES CAUSED BY SMOKING.
cancer -ang mga yosi boy/girl ay may malaking panganib na magkaroon ng iba't-ibang uri ng cancer. ang chemical na tinatawag na Carcinogen na nasa tobacco ay nagdudulot ng cancer sa (1) baga, (2) bibig, (3) lalamunan at (4) gullet (eto ung tube na nagtutulak ng pagkain papunta sa sikmura). Alam mo ba na 90% ng may lung cancer ay dahil sa pagyoyosi? bukod sa apat na nabanggit na cancer may bonus pa na ibang uri ng cancer ang pwedeng magkaroon ka: bladder cancer, pancreatic cancer at esophagus cancer. sa mga babae naman bukod sa nabanggit, may possibility rin na magkaroon ng cervical cancer.

cardiovascular disease - ito ung sakit sa puso mismo, sa ugat nito o mga blood vessel o arteries na nakakonekta dito. madalas ito ung nagiging sanhi ng kamatayan ng mga adik sa yosi. ang nicotine
na nasa tobacco ay nagdadagdag ng cholesterol level sa dugo. at ang cholesterol at fats ay naiipon sa arteries, na nagiging sanhi ng pagtigas nito. syempre, kapag naipon at tumigas ang cholesterol at fats ito ay nagiging makitid, masikip at barado para daluyan ng dugo. nagreresulta itop ng blood clots, at dito naguumpisa ang cardiovascular disease na may iba't-ibang uri. kaya ang ending: stroke.

chronic obstructive pulmonary disease -sa simpleng lenggwahe natin ito ay kahirapan sa paghinga dahil sa may kung anong nakabara sa baga. ang dalawang health problems nito ay: (1) emphysema at (2) chronic bronchitis. emphysema ito ay kakapusan ng pagihnga dahil sa damage na tinatawag na alveoli (air sacs), nangyayari ito dahil ang function ng baga ay humihina. Chronic bronchitis ito ay madalas na pag-ubo na may kasamang mucus (eeeww). 80% daw ng ng may COPD ay dahil sa sobrang yosi. ang pagyoyosi ay nakakapagpahina ng tatlong beses ng function ng ating baga.

iba pang conditions dahil sa yosi hindi man matuturing na sakit ang iba pero nakakaapekto pa rin sa hygiene

* damage the lining of blood vessels
* Smoking affects your oral health. It can stain your teeth and gums. Smoking can give rise to various health problems of gums and teeth, such as swollen gums, loose teeth and bad breath.
* Smoking causes acid taste in the mouth.
* Smoking can give rise to various sexual problems. Couples addicted to smoking are likely to face fertility problems.
* Smoking increases the risk of high blood pressure, which is a risk factor for stroke and heart attacks.
* Smoking worsens asthma by increasing the inflammation of airways.
* Smoking can cause early aging. Due to smoking, the blood supply to the skin is reduced. There is decrease in the levels of vitamin A. Hence, smokers have paler skin and more wrinkles.
* Heavy smoking causes macular degeneration, which results in gradual loss of eyesight. Smokers are at a higher risk for cataract.
* Some other conditions caused by smoking are chest infections, diabetic retinopathy, tuberculosis, multiple sclerosis and Crohn’s disease.

(talaga palang death for sale ang yosi at sadyang madami ang komplikasyon at sakit na nabigigay ng bisyo na to!!! kaya kung hindi ka man nagyoyosi, paki-sabi sa kakilala mo na itigil nya na ang pagyu-yosi hangga't may oras pa sya)

THE NUMBERS
alam mo ba na sa halos 94M na population ng pilipinas eh 17M dito ang nagyoyosi? ang ibig sabihin nito ay 18% ng pilipino ay adik sa yosi! na sa bawat 5 tao ay mayroong 1 dito ang nagyoyosi. 14.6M dito ay lalaki at ang natitirang 2.8M ay babae at ang average na sigarilyo nila per day ay: 11-12 sa lalaki at 7 naman sa babae. sa isang buwan ay gumagastos sila ng P326.40 para sa yosi na kung naibili sana ng bigas ay marami pa ang napakain.
4 sa 10 top diseases na sanhi ng kamatayan ng mga pinoy ay cause ng yosi: pneumonia, obstructive lung disease (emphysema), tubercolosis at lung cancer. hindi na naisama ang heart disease na pwede ring dahil sa yosi. ang nakakalungkot walang programa ang gobyerno para sa health agendang ito.
sa 5M na namamatay every year sa earth nang dahil sa yosi 1.3M dito ay may kinalaman sa lung cancer.

ADDICTIVE
Nicotine is the most addictive substance in tobacco. na kapag nalanghap at naamoy mo ang kakaibang bango nito ay parang hahanap-hanapin ng katawan mo. kaya huwag mo ng subukan at baka ma-hook ka din sa mapang-akit na aroma nito.

REASONS FOR SMOKING (walang kakwenta-kwentang reasons)

1. Smoking Is A Lifestyle Coping Tool (parang basic needs na hinahanap)

For many people, smoking is a reliable lifestyle coping tool. Although every person's specific reasons to smoke are unique, they all share a common theme. Smoking is used as a way to suppress uncomfortable feelings, and smoking is used to alleviate stress, calm nerves, and relax. No wonder that when you are deprived of smoking, your mind and body are unsettled for a little while.

Below is a list of some positive intentions often associated with smoking. Knowing why you smoke is one of the first steps towards quitting. Check any and all that apply to you.

___ Coping with anger, stress, anxiety, tiredness, or sadness
___ Smoking is pleasant and relaxing
___ Smoking is stimulating
___ Acceptance - being part of a group
___ As a way to socialize
___ Provides support when things go wrong
___ A way to look confident and in control
___ Keeps weight down
___ Rebellion - defining self as different or unique from a group
___ A reminder to breathe
___ Something to do with your mouth and hands
___ Shutting out stimuli from the outside world
___ Shutting out emotions from the inside world
___ Something to do just for you and nobody else
___ A way to shift gears or changes states
___ An way to feel confident
___ A way to shut off distressing feelings
___ A way to deal with stress or anxiety
___ A way to get attention
___ Marking the beginning or the end of something

2. Smoking Tranquilizer (pampakalma)

The habit of cigarette smoking is often used to tranquilize emotional issues like anxiety, stress, or low self-esteem. In addition, smoking provides comfort to people with conditions of chronic pain and depression. Smokers with emotional stress or chronic pain often turn to smoking as an attempt to treat their pain. For instance, they may use it to reduce anxiety, provide a sense of calmness and energy, and elevate their mood.

Some evidence does suggest that nicotine has some pain-relief benefits. Nicotine releases brain chemicals which soothe pain, heighten positive emotions, and creating a sense of reward. However, any benefit from smoking only eases the pain for a few minutes. Cigarettes contain many other chemicals shown to worsen healing ability of bone, tooth, and cartilage.

The mental association between smoking and pain relief can make quitting quite difficult, as can the increased short-term discomfort that quitting smoking adds to a person already suffering with chronic pain, depression, or emotional distress. What are effective ways for people with chronic pain - whether physical or emotional - to make the decision to quit smoking? First, evidence shows that in people who suffer chronic pain, smokers have more pain than nonsmokers do. Also, accept that smoking cessation may indeed make you feel worse in the short run, but may be key to regaining enough vitality to live fully with pain.

3. The Feel Good Syndrome (pamporma, feel good, feel cool di-umano)

Smoking is a way to avoid feeling unpleasant emotions such as sadness, grief, and anxiety. It can hide apprehensions, fears, and pain. This is accomplished partly through the chemical effects of nicotine on the brain.

When smoking, the release of brain chemicals makes smokers feel like they are coping and dealing with life and stressful emotional situations. Nicotine brings up a level of good feelings. Cigarette smokers are aware when nicotine levels and good feelings begin to decrease, and light up quickly enough to stay in their personal comfort zone. However, they may not realize that avoiding their feelings is not the same as taking positive steps to create a life of greater potential and meaning.

ayon sa study, people suffering from nicotine withdrawal have increased aggression, anxiety, hostility, and anger. However, perhaps these emotional responses are due not to withdrawal, but due to an increased awareness of unresolved emotions. If smoking dulls emotions, logically quitting smoking allows awareness of those emotions to bubble up to the surface. If emotional issues aren't resolved, a smoker may feel overwhelmed and eventually turn back to cigarettes to deal with the uncomfortable feelings.

4. Smoking Makes You Feel Calm and Alive (pampagising naman)

Smokers often say that lighting up a cigarette can calm their nerves, satisfy their cravings, and help them feel energized. Indeed, nicotine in tobacco joins on to receptors in your brain that release "feel good" chemicals that can make you feel calm and energized all at once. Smoking acts as a drug, inducing a feeling of well-being with each puff. But, it's a phony sense of well-being that never produces a permanent satisfying or fulfilling result. Smoking lures you into believing that you can escape some underlying truth or reality. However, smoking doesn't allow you to actually transform your day-to-day life and live connected to your deeper hopes and dreams.

Instead, when you smoke, the carbon monoxide in the smoke bonds to your red blood cells, taking up the spaces where oxygen needs to bond. This makes you less able to take in the deep, oxygen-filled breath needed to bring you life, to active new energy, to allow health and healing, and bring creative insight into your problems and issues.

5. You Are In The Midst Of Transition (hinahanap-hanap)

If you previously quit smoking, and then resumed the habit once again, consider the idea that perhaps you are in the midst of some "growing pains." Perhaps you were feeling dissatisfied with some aspect of your life and contemplating making change. However, developing spiritually, emotionally, and physically brings with it the experience of discomfort. Old beliefs rise up, creating sensations of hurt, pain, sadness, anxiety, and uneasiness. You were feeling dissatisfied, restless, ready to change, but then felt the fear that change often ignites.

WHY SMOKING IS LEGAL?
taxes, revenue from manufacturer is the main reason why smoking is legal in almost all of the countries worldwide. pero mas maraming bilang ng mga pilipino ang nagkakasakit dahil sa yosi ang isa sa dahilan nito ay ang napakababang presyo ng yosi dito sa atin.

EXPENSIVE MEDICINES CHEAP CIGARETTE
Ang pagmi-maintain ng gamot para sa isang taong may sakit na may kaugnayan sa yosi ay hindi biro, nag-a-average ito ng 2k hanggang 3k sa isang linggo hindi pa kasali dito ang check-up, foods & vitamins. ang average na yosi dito sa pinas ay P40-P60 ang isang kaha (20pcs) against sa US o European countries na ang yosi ay nagkakahalaga ng P250-PP350 at P500-P600, respectively. sa hirap ng buhay dito sa pilipinas at sa statistics na lumalabas ay mas maraming pilipino (mahirap man o mayaman) pa rin ang nagyuyosi na ang iba nga ay kasama na sa basic needs nila ang sigarilyo kasama ng tubig, tirahan at pagkain.

THINK BEFORE YOU SMOKE
Cigarette smoking is a personal choice. However, if you are considering stopping smoking, you may already realize that quitting requires more than willpower or scaring yourself with statistics of why smoking is bad.

Conventional smoking cessation systems often don't work in the long term because they do not address the real reasons that people smoke. Listed below are five often unidentified reasons that people smoke. These reasons might surprise you.

Before you engage in your stop smoking process, take some time and identify the important underlying motivations of why you choose to smoke. By understanding those real reasons, you can generate a personalized stop smoking plan that incorporates new strategies of coping and dealing with life.

Smoking provides an escape from those uncomfortable feelings. However, smoking also brings an abrupt halt to personal transformation and the evolution of self. Although painful, these feelings are necessary in your personal development. Learning to accept feelings in a new way can help lead you out of disempowering or limiting beliefs, and into a life filled with greater happiness, satisfaction, contentment, or purpose. When you stop smoking and start breathing - conscious, deep, smoke-free, oxygen-filled breaths - your evolution will start up once again.

Why Do You Smoke?
If you smoke, then you do so because the act of smoking is personally meaningful to you. Therefore, if you are considering quitting, take some time and explore the reasons underlying your decision to smoke. Become interested, observe yourself, and get curious. Allow yourself an opportunity to turn into a smoking journalist, ready to uncover an intriguing mystery. Before lighting up your next cigarette, ask yourself:

a. What positive functions do I believe smoking provides me?
b. How will smoking help or change the situation?
c. What situations make me smoke the most?
d. What emotions or feelings am I trying to avoid or deny?
e. If I didn't smoke right now, what would I feel? How would I handle that feeling?
f. What would I do with the energy that is freed up from smoking cessation?

The most important factor in stopping smoking is a genuine desire to stop smoking. You were not a born smoker; it's something you learned to do. Learning new ways of coping with stress is possible, as is learning new ways to relax and raise confidence levels. Use the reasons presented above as clues to uncover the underlying reasons why you smoke. Then, in addition to making a firm decision to stop smoking, also make a firm plan to address your underlying needs. You're not only kicking the habit, you're also creating a new balance with your body, mind, and self!

Ayon sa pagaaral hindi madali ang pagku-quit sa yosi parang napakalaki ng sakripisyo na gagawin ng isang tao sa isang maliit na bagay na 'to. Nakakapagtaka rin na alam ng bawat tao na hindi maganda sa kalusugan ang yosi pero marami pa ring doktor at health worker ang nagyu-yosi...ganyan ka-addictive ang gayuma ng sigarilyo. Subalit dapat na talagang itigil na ito hangga't may oras pa, isipin ang perang nasasayang, ang pamilya at ang kalusugan mo mismo. Sa bawat isang sigarilyong hinihitit ay tatlong minuto ang nasasayang sa buhay . Hindi naman sa ako'y nagmamalinis pero ang mga nakasulat sa itaas ay mga facts na naipublish sa iba't-ibang website at pahayagan. Walang ibang makakapagkumbinsi sa sarili natin na tumigil na sa bisyong ito kundi ang sarili rin natin. It is just mind over matter.