Hindi ka na ba nagigimbal sa kariktan ng iyong sariling wika?
Bakit
nalilibugan ka sa wikang hiniram mo lang sa banyaga?
Hindi ka
na ba nasasarapan sa hagod ng matalinghagang dila?
Bakit mo
niluluran ang wikang pinamana ng mga dakila?
Hindi mo
ba alam na ang wikang Filipinong hinandog sa atin
Ay higit
pa sa anumang wikang dayuhang kaya mong bigkasin?
Higit pa
sa alinmang wikang dayuhang kaya mong aralin
Ang
dangal at kayamanan ng bansang 'di ninuman maaangkin.
Hindi ka
ba nagagayuma sa "Mahal kita" na sinambit ng kapwa mo pilipino?
Bakit
"I Love You" na lamang ang nagpapakislot ng iyong libido?
Ikaw ay
naniniphayo sa tuwing nakaririnig ka ng "Putang ina mo!"
Ngunit
nalilibang ka naman sa "Fuck You!" na binigkas ng amerikano.
Hindi mo
ba batid na ang wikang Filipinong ipinamana sa atin
Ay may
angas at tapang na magpapaalab ng damdamin?
May talas
na masahol pa sa punyal at patalim
At may
kaluluwang dadaigin ang anumang sining.
Hindi ka
ba nabighani sa melodiya ng kundimang Filipino?
Bakit
sinasamba mo ang awiting 'di nauunawaan ang liriko?
Hindi
ba't ginto ang alaala ng unang pagbigkas ng alpabeto?
Bakit
ikaw ay nagpantanso sa dayalektong 'di naman iyo?
Hindi mo
ba alam na ang wikang Filipinong kinagisnan natin
Ay may
tamis at kilig na magpapangiti sa bawat labi?
May
puso't lambing na makalulusaw ng poot at galit
May
bangis na anumang sandali'y sasambulat at pupulandit.
Hindi na
ba maibabalik ang pag-ibig mo sa wika ng iyong bayan?
Mas
madali ba ang mag-'twang' kaysa isapuso ang Panatang Makabayan?
Hindi ba't
saulado mo ang mga kanta nina Beyoncé, 1D, EXO at 2NE1?
Bakit
madalas kang magkamali sa tuwing aawitin ang 'Lupang Hinirang'?
'Di mo ba
alam na ang wikang Filipino ay ilaw ng Pilipinas?
Na
tatanglaw sa korapsyon ng kadiliman na tila 'di nagwawakas
Liwanag
na magmumulat sa diwang nilalango ng alak ng kabalastugan
Gagabay
sa landas na binaliko ng utak ng kalokohan at katarantaduhan.
Ano ba
ang dapat maituwid ang 'yong malabnaw na utak o dilang nakalihis?
Bakit mas
matatas pa ang 'Harry Potta' mo kaysa totoong mga Inggles?
Hindi mo
ba kayang hangaan ang ating wika, kultura at kutis kayumanggi?
Ba't
Ikaw'y may pagnanais na lampasan pati ang kulay ni Britney Spears?
'Di mo ba
batid na ang wikang Filipino ay tulay patungong tagumpay?
Estruktura
ng komunikasyong magdudugtong at mag-uugnay
Sa bayang
inuhaw, ginutom at tinimawa ng pagsulong at kaunlaran
Na
matagal nang pangarap ng mga 'indiong' dito'y nananahan.
Hindi
ba't ang mga dakila't makata'y nakapukaw gamit ang wikang Filipino?
Bakit
pinili mong iwaglit ang kasaysayan ng bansa at siya'y pinagkanulo?
Hindi ka
ba namangha sa mga bayaning nanindigan para sa mga pilipino?
Bakit
ibang lipi at lahi lamang ang siya mo ngayong dinidiyos at iniidolo?
'Di mo ba
batid na ang wikang Filipino ay pundasyon ng tapang?
Balangkas
ng monumentong susuhay sa tatag ng isang bayang
Pilit na
binubuwag ng unos ng pagmamalabis at pagkaganid
Ang
tutuos sa tahilang hinahagupit ng delubyong mga balakid.
Hindi pa
ba sapat ang aral at leksyong dinulot ng kasaysayan?
Ano ang
dahilan sa pagtanggal ng Filipino sa kurikulum ng paaralan?
Hindi ba
nila alam na ang pagpapahalaga ng pilipinong kabataan
Sa wika,
bayan at kasaysayan ay magsisimula 'di lamang sa tahanan?
'Di mo ba
alam na ang wikang Filipino ay bagwis ng karunungan?
Pakpak na
magdadala ng runong at impormasyon sa buong kapuluan
Ang
maglilipad at maghahatid ng kaalaman sa nagmamaang-mangan
Patungo
sa himpapawid ng kalayaang may tinig at tunay na kasarinlan.
Si Dr.
Jose Rizal na ating pambansang dakila noo'y nagbilin at nagwika:
"Ang
'di magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda."
Ano pa
nga bang mas sasahol sa pagkakaila sa sarili mong wika?
Ano pa
nga bang mas uulol sa pagtatraidor sa sarili mong bansa?
Walang
nagturan na kasalanan ang matutunan ang ibang mga wika
Walang
nagbansag na masamang maging eksperto at dalubhasa
Gamit ang
lenggwahe at wika ng mga banyaga sa pakikisalamuha
Ang
kasalanan ay ipagkanulo mo ang bansa maging ang sarili mong wika.
Hindi ka
na ba nagigimbal sa kariktan ng iyong sariling wika?
Bakit
nalilibugan ka sa wikang hiram mo lang sa banyaga?
Hindi ka
na ba nasasarapan sa hagod ng matalinghagang dila?
Bakit mo
kinukupal ang wikang pinamana ng mga dakila?
- - - - - - - -
Ang akdang ito ay ang aking lahok sa 2014 Saranggola Blog Awards 6 sa kategoryang Tula
Sa pakikipagtulungan ng mga sumusunod na sponsor:
Mahusay. Panalo na ito kuya.
ReplyDeletePanalo na agad? haha, marami pang mas huhusay sa akdang ito sir, hintay lang muna.
Deleteanyway, salamat at may humanga kahit papaano,
holy shit kuya. ang galing nio po. nainspire ako haha panalo
ReplyDeletesalamat, salamat kaya lang ate o kuya
Deletemas okay sana kung nagpakilala ka :)
^_^ Ang galing
ReplyDelete