At dahil ginugunita natin ngayon ang Linggo ng Wika naisip kong gumawa ng tulang may kinalaman sa bansang Pilipinas. Bagama't hindi ako sang-ayon na ang gumagawa nito ay nagpapasakop sa nakakahong pamantayan mabuti rin namang minsan ay ituring itong hamon sa ating kamalayan.
Ayon sa Wikipedia ang Awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.
Kung maituturing na Awit ang akda kong ito sana'y pumasa ito sa panlasa ng mga makatang eksperto dito ngunit isa lang ang tiyak na sigurado, hindi pala madali ang paggawa nito at baka hindi ko na rin ulitin kung hindi rin lang ako sasali sa paligshang may malaking papremyo, haha (joke lang).
----------------------------------------------------------
Perlas ng Silangan
Dito sa Silangan aking
sinilangan
Pilipinas, na bayan ng
matatapang
Tahanan ng bayani na 'di
kaylanman
Nagpadaig at umurong sa
digmaan
Kastila, Hapon o Amerikano
man
Umalpas, binuwis ang buhay
sa bayan
Pinaglaban, mailap na kalayaan
Dugo, ipinangguhit sa
kasaysayan
Bayang marikit, hitik sa
likas-yaman
Karagatan, kagubatan,
kabukiran
Lamang-dagat, ginto, bakal,
troso, palay
Mineral, hayop, laksang
prutas at gulay
'Di mabilang iba't ibang
kayamanan
Siglo na nang nakamit ang kasarinlan
Ngunit bakit hirap pa rin, Inang-bayan?
May silbi pa ba yaman at
kalayaan?
Bayang magiliw, Asan na ang
pagliyag?
Perlas ng Silangan, Asan na
ang kinang?
Alab ng puso, Asan na ang
pagliyab?
Lupang hinirang, Sino na ang
naghirang?
No comments:
Post a Comment