Thursday, October 28, 2010

Mark as Failed...


None of us is perfect and sometime in our life intentionally or unintentionally we make mistakes and sins not just because we are a born sinner...some reasons maybe we were forced to do mistakes or we just can't simply do to be holy, period. Sometimes it was late to realized that we have committed mistakes and sins and find ourselves kneeling and asking for some forgiveness. All of us have ups and downs in our lives some might afraid to confess his failure, some have bravely admitted, some are still pretending to be saint, some are submitted their selves to jail, some save their selves to become innocent, some admits to be guilty 'though he knows he's not...Half past my life here I am confessing and submitting and thinks that I am: MARK AS FAILED...

I have failed to be a candid motorist for I always exceed beyond the speed limit
I have failed to be an affable neighbor for I always failed to lend and extend a helping hand
I have failed to be a good listener for I do not patiently understand what the speaker is saying
I have failed to be a loyal friend for I always have a reason not to spend extra time with them
I have failed to be a cordial individual for I preferred to be alone than to enjoy with someone
I have failed to be a gracious man for I have failed to be friendly on almost every occasions
I have failed to be a generous son for I have failed to provide all the needs of my parents
I have failed to be a good Samaritan for I seldom give alms to the needy
I have failed to be an understanding brother for I always misunderstood the thoughts of my siblings
I have failed to be a caring uncle for I didn't guide my nephews and nieces the way it should be done
I have failed to be an honorable pupil for I did not learned all of the good lessons from my schools
I have failed to be a commendable student for I have cheated several times in my life
I have failed to to be a strong leader for my weaknesses always overpowered my strength
I have failed to be a satisfied citizen for I've always been a critic of the government and its officials
I have failed to be a cooperative constituent for I dislike whoever is the incumbent
I have failed to be a trustworthy person for I always reserve my doubts and distrust to any strangers
I have failed to be a devout Christian for I always failed to visit church every Sundays
I have failed to be a patriotic Filipino for I don't have enough courage to say that I'm proud to be one
I am a failure to my profession for I have nothing I can do to suppress the corruption
I am a failure as a human for I sometimes think of my pride and self-esteem than to be a humble one
I am a failure as a son of God for I repeatedly committed sins and failed to heed the God's commandment...

This is me and regrettably, I ashamed to say that I have so many shortcomings, so many failures in this life but I am now crossing my fingers and still hoping to cope, to amend things in the remainder of my life; hope it is not too late, hope it worth the wait; hope that I'll be forgiven, hope that a chance would be given.
As I assume that this is a near impossible task to achieve I am trying to be as good father as I can be; a good husband as I can be...
The adaptability, sensitivity,compromise, obligation, responsibilities, pleasant, humility, virtue, respect, patience, faithfulness, trustworthiness, supportive, communication, love and affection are just words but collectively it can create a not perfect but a dynamic relationship;
I have failed on so many but hoping to pass on some...


Wednesday, October 27, 2010

The beauty and the worst of Boracay

The beauty of Boracay strikes my watchful eye
The sand, the beach, the water compensates the scenery
The deep blue, the soothing green and the color of money
Beneath its beauty the

Tuesday, October 26, 2010

Hanapbuhay


Bawat trabaho o hanap-buhay maging managerial position o pangkaraniwang empleyado lang ay may kaakibat na hirap. Sagana man sa pinasyal at malaki man ang kanilang mga sahod hindi biro ang binabalikat nilang responsibilidad o ang hirap ng trabaho kasabay nang pagganap sa tungkulin. Karamihan naman sa atin ay sadyang mahirap na ang trabaho ay napakaliit pa ang tinatanggap na sweldo kapalit ng kanilang pagpapakapagod at paggugol ng napakahabang oras at panahon sa trabaho. Sa liit ng kinikita ng karamihan alam natin na hindi ito sasapat sa pang araw-araw na buhay ang iilan ay hindi nakukuntento at napipilitan gumawa ng hindi kanais-nais at ilegal na gawain ngunit ito ba'y dahilan para tuluyan ng malunod sa kasalanan? Halika't alamin natin ang hirap ng kani-kanilang trabaho at ang bigat ng responsibilidad na nakapatong sa kani-kanilang balikat.


Security guard - Kung hindi pa mahirap ang pag-duty ng labing-dalawang oras sa trabaho idagdag pa natin ang panganib ng kanilang buhay. Isa ito sa hindi matatawarang hanapbuhay. Lubhang napakahirap ng kanilang trabaho, kung ang pangkaraniwang empleyado ay nasa loob ng opisina o pabrika ng walong oras ang mga security guard ay pangkaraniwan na ang lampas dito. Kung ito ang trabaho mo kailangan marunong kang labanan ang pagkabagot, pagod sa katatayo at kalalakad, puyat at kawalan ng magawa, at kawalan ng makakausap kung ikaw ay nadestino sa night shift. Kadalasan kung mayroong nakawan sa isang establisimiyentong binabantayan ang pangunahing suspek ay ang guwardiya mismo. Kailangan bang mamatay ang isang guwardiya para lang hindi siya mapagbintangan?


Pulis
- Sa Pilipinas napakababa ng tingin ng mga Pinoy sa pulis kaya unfair ito sa mga matitinong pulis. Ang tiwalang binibigay sa kanila ay hindi buo sa dahilang madalas na ang nasasangkot sa krimen ay ang pulis mismo. Ilan ito sa mga dahilan kung bakit mahirap ang trabaho nila, pinipilit nilang maging matino pero ang tingin naman sa kanila ng madla ay hindi matino. Paano na lamang ang marami pa ring mga pulis na handang maglingkod ng walang kapalit? Sabi nga, 'pag ikaw ay pulis ang isang paa mo raw ay nasa hukay na totoo naman ito dahil ang front liner ng pangkaraniwang krimen ay sila kahit na hindi sopistikado ang kanilang armas, kahit na kulang sa training, kahit na ga-barya lamang ang pondo ng kanilang departamento ay pilit pa rin nilang ginagampanan ang kanilang tungkuling makapaglingkod.


Traffic Enforcer
- Mainit, mausok, maalikabok at uncomfortable; kung kaya mong harapin ang lahat ng ito pwede kang maging traffic enforcer. Sa dami ng mga motoristang matitigas ang ulo na hindi sumusunod sa batas-trapiko kasabay ng init ng araw ay iinit din ang iyong ulo. Kailangang manhid ka na rin sa pabago-bagong panahon dahil kung mahina ang katawan mo kinabukasan ay hindi makapapasok at kulang na ang sweldo mo. Pilitin mo mang magpakatino at tiketan ang lumalabag sa batas lahat naman ng hinuhuli mo'y may padrino, lumalaban, nakikiusap o di kaya'y may padulas. Ano ba ang matimbang tawag ng tungkulin o ang tawag ng pangangailangan?


Saleslady
-Bawal umupo, bawal ang flat shoes at bawal nakasimangot requirements ito ng pagiging saleslady. Customer is always right kaya't kahit na gaano ka na kairitable sa supposed to be customer all smile ka pa rin kahit na sa totoo ay gusto mo nang batukan ito dahil sa kagaspangan ng ugali. Pagod ka na nga eh makaka-encounter ka pa ng ganyang klase ng customer. Sa hirap ng buhay ngayon at sa hirap maghanap ng trabaho na aakma sa pinag-aralan mo kahit na graduate ka ng matinong 4-year course ito ang bagsak mo. Ang tenure of service din dito ay walang kasiguruhan dahil kahit na dedicated ka sa kompanyang pinapasukan mo ay kadalasan mae-endo (end contract) ka. Paano na lamang 'pag umabot ka na sa edad na 28? Wala nang tatanggap sa'yo bilang saleslady dahil ang turing naman sa'yo ay isa nang over-age!


Nurse - Ang makakita ng tumatalsik na dugo, labas na mga buto at nag-aagaw buhay na mga tao ay hindi kaaya-ayang eksena pero ito ang araw-araw na kinakaharap ng ating mga nurse, idagdag mo pa diyan ang eksena ng isang pamilya ng pasyente na tumatangis dahil sa dalawang dahilan: ang hirap at sakit na dinaranas ng pasyente at ang urong-sulong na desisyon dahil sa kawalan ng pera. Kailangan ng matibay na sikmura, matinding dedikasyon at pagmamahal sa trabaho para makatagal sa trabahong ito kung half-hearted ka hindi ka qualified maging nurse. Nakakalungkot lang malaman na nagiging stepping stone lang ng ating mga nurses ang pagta-trabaho sa mga local hospitals dahil karamihan sa kanila 'pag may experience na ay sa US o Europe na magta-trabaho.


Doktor
- No offense meant, 'di hamak na mas mataas ang antas nang pinag-aralan ng mga doktor kaysa sa mga nurses pero dahil sa mas magandang oportunidad na naghihintay sa mga nurses sa mga mauunlad na bansa napipilitang mag-aral muli ng pagka-nurse ang ating mga doktor natin dito. Gaya ng nurse, kailangan sa trabahong ito ang may matibay na sikmura at damdamin at walang selan sa paghawak nang sakit ng pasyente nakakahawa man ito o hindi. Para sa akin itinuturing ko silang mga tahimik na bayani dahil ang magsalba ng buhay ang kanilang sinumpaang tungkulin bagamat karamihan sa mga doktor ay batid na walang sapat na pasilidad para sa ilang operasyon ng malalang sakit o mga pasyenteng salat sa pambayad sa hospital at doktor patuloy pa rin sila sa pagbibigay lunas sa mga nagngangailangan ng kanilang serbisyo. Pero hindi naman maaari na palaging "labor of love" lang ang kanilang serbisyo sa hirap ng buhay, sa laki ng ginastos sa kanilang matrikula at sa tagal na panahon nang pag-aaral dapat din nating ibigay sa kanila ang karampatang sahod at respeto.


Guro
- This is one of the underrated job in the Philippines considering na ang karamihan sa estudyante these days ay napakakukulit, napakalilikot at matitigas ang ulo. Just imagine the scenery of 40+ students from different walks of life na hindi nakikinig sa pinagtuturo mo. Paos na ang boses mo eh parang hindi naman interesado ang karamihan sa kaniyang estudyante. Idagdag pa natin ang pag-gawa nila ng lesson plan sa gabi para sa kaniyang ituturo sa susunod na mga araw. Hindi na ko magtataka kung bakit maraming mga guro ang nagiging DH sa Hong Kong dahil sa barya-baryang sweldo nila. Ilang mga guro na rin ang napahamak sa tuwing magkakaroon ng eleksyon dahil sa sila ang mga front liner na parang mga sundalo sa giyera na dumedepensa, nakikipaglaban at nakikipag-agawan sa mga balota ng mga gunggong nating mga pulitiko. Kung may pangarap kang yumaman hindi ito ang trabahong para sa'yo.


Bumbero
- Naaalala lang natin sila sa tuwing may sunog, akala lang natin madali ang trabaho nila dahil bihira lang naman ang sunog pero dahil ang bansa natin ay mahirap syempre kabilang sila sa sangay ng gobyero na kapos sa pondo, resulta: kakulangan sa fire-fighting equipments, firetruck na kakarag-karag, lumang communication equipment at unipormeng magpo-protekta sana sa kanila sa pagtuos sa sunog. Huwag ka na ring magtanong kung bakit mas nauunang dumating sa sunog ang Volunteer Firefighter kaysa sa gov't firefighter. Habang ang mga tao ay tumatakbo palayo sa sunog sila naman ay lumalapit pa at buong-tapang na aapulahin ang nag-ngangalit na apoy sa kabila ng kakulangan ng nasabi kong equipment. Madalas pa na inaaway sila ng mga residenteng nasusunugan dahil lahat ng mga ito'y gustong unahin ang bahay nila at minsan naakusahan pa silang may kinikilingan kung hindi napagbigyan. Hindi ba nila alam na karamihan diyan ay walang mga sweldo at nagmamagandang-loob lang?


Sundalo - Matagal na silang pinangangakuan ng mataas na sahod at modernong mga armas pero ngayon nananatili pa rin itong pangako. Habang ang mga walang ranggong sundalo ay nadedestino sa iba't-ibang probinsya, nalalayo sa mahal sa buhay, nakikipagbarilan sa mga NPA, Abu Sayaff at mga bandido, ang mga opisyal naman nila ay nasa loob ng isang kwartong malamig at nagkakamal ng pondong nararapat na para sa lahat, kumakain sa mamahaling restaurant at nagseseminar sa Russia at Europe gamit ang pondo ng Armed Forces. Ganun talaga, life is unfair di ba? Sila ang napakagandang halimbawa ng katagang: "Ang mamatay ng dahil sa'yo". Hindi nila alintana ang panganib kahit na ang hawak nilang mga M-16 ay panahon pa ni Marcos habang sa mga Abu-Sayaff naman ay may M-203, high-caliber na mga baril, GPS at satellite phones. Malalaman lang natin ang kabayanihan nila kung may namatay sa kanila at naibalita sa paborito kong 24-Oras.


Reporter
- Kung wala kang pagmamahal sa trabahong ito ngayon pa lang 'wag mo nang pangarapin na maging reporter. Akala ng marami na madaling yumaman kung ikaw'y ay isang reporter pero taliwas ito sa katotohanan. Oo nga na may mga umuunlad ang buhay at umaasenso sa pagiging reporter pero ito ay mga isolated case lamang. Sila yung mga napupunta sa mga higanteng istasyon na nabibigyan ng magandang oportunidad pero ilan lang ba ang kailangang reporter ng bawat istasyon? At ilang libong estudyante din ba ang guma-graduate taon-taon ng journalism o masscom? Kung ito ang trabaho mo iwaksi mo na ang iyong mga nightlife, ang pagiging tamad at antukin dahil ang kailangan sa pagiging reporter ay ang pagiging resourceful, always on the go, intelihente at masipag. Kung ang lahat ng istasyon ay may ulat sa nasasakupan mong field of assignment at ikaw ay wala, sermon ang aabutin mo kung hindi suspensyon. Wala ka ring karapatan na tumanggi kung ma-assign ka man sa pinangyarihan nang bagyo, lindol, riot, welga o massacre site.


Bus Driver - Ang kanilang kikitain ay nakadepende sa dami ng pasahero nila, hindi fixed ang kanilang sweldo at ang kanilang pinakasweldo ay nasa pagitan ng 20% to 30% ng kabuuang kita sa maghapong pagmamaneho na tumatagal ng 12-18 oras! Sila ay napaka-underpaid dahil sa kabila ng pagpapakapagod sa stressful job na ito karamihan sa kanila ay walang sick leave, vacation leave, night differential, OT pay, hazard pay at kung anu-ano pang pay. Wala rin silang job security dahil ang mga operator nila ay gustong contractual lang sila. Karamihan ng sakuna sa kalsada ay involved ang mga bus ang dahilan ng driver: pumalyang brake o pumalpak na makina. Maaaring driver error din ito pero sa kabilang banda at kung susuriing mabuti ang mga bus na sangkot sa aksidente ay mga lumang modelo na hindi na dapat pang bumibyahe. Responsibilidad dapat ito ng LTO na huwag ng i-renew ang prangkisa kung magdudulot nang panganib sa mga pasahero. Masisisi mo ba sila kung matakaw sila sa pasahero? Sa dami ng alternatibong pwedeng sakyan ng pasahero at mga lalagyang mga tiwaling traffic enforcers may violation man sila o wala.


Call Center agen
t - Ito na marahil ang pambansang hanapbuhay ng mga Pilipino. Bukod sa pagiging OFW ito ang next in line na gustong trabaho ng mga gumradweyt sa isang 4-year course. Habang ang karaniwang Pinoy ay patulog na heto ang mga call center agents nag-uumpisa pa lang mag-trabaho hindi ka ganap na call center agent kung hindi mo maranasan ang night shift. Parang simple lang ang trabaho nila; magandang salary at disenteng pananamit. Sa dami ng reklamador na mga tao (lalo na ang mga pinoy) dapat ay maging relax (read: manhid), focus (read: bingi) at accommodating (read: plastic) ka pa rin sa mga client na naninigaw, nagmumura at halos isumpa na ang kausap na call center agent. Buntunan sila nang sisi ng mga customer na ito kahit na hindi naman sila direktang empleyado ng kanilang niri-represent. Hindi naman sila binabayaran para alipustahin pero parang ganun na rin, idagdag pa natin ang mga caller na walang relevant ang question, kwento ng kwento ng walang kwenta at mga mahihirap intindihin ang mga pinagsasabi. Pls watch: http://www.youtube.com/watch?v=GFcwQdmln0s


Accountant - Marami ang may ayaw sa numbers lalo't sa Math pero ang mga accountant ay ito naman ang nakahiligan. Hindi man CPA Board Exam ang itinuturing na pinakamahirap na exam pero mas marami ang umaayaw dito. Mahirap ang kanilang trabaho dahil hindi biro ang magbalanse araw-araw na ultimo kahuli-hulihang piso ay dapat eksakto dahil kung hindi malamang mag-abono ka o gagawan mo ito nang "paraan". Labag man sa kanilang kagustuhan sila rin ang may sapat na kaalaman na mapababa ang mga buwis na dapat sa gobyerno. Masisisi mo ba sila kung hanap lang naman nila ay trabaho? Ang accountant ay napakalapit sa tukso at kung hindi mo kayang labanan ang temptasyon na ito at marami kang pangangailangan baka makagawa ka ng kasalanan unti-unti at hindi mo namamalayan katulad ka na rin ng mga pulitikong ganid.


Abogado
-Thou shall not lie. Parang ang kautusang ito ay napakahirap tuparin kung ang iyong propesyon ay ito. Sila ang may itinuturing na pinakamahirap na exam (pero para sa akin ay ang Medical Board Exam) saan man. Bukod sa talino kailangan din nang talento sa pag-iinterpret ng batas at skills sa pakikipagdebate sa korte. Kunsabagay lumalabas na natural na lang ito kung ikaw ay likas na matalino. Hindi usapin ng pera ang pagiging mahirap sa kanilang propesyon dahil kung nanaisin nila marami ang mag-o-offer sa kanila ng magandang salary kaya nakabibilib ang mga abogadong nasa Public Attorney's Office (PAO) na nagbibigay nang serbisyo sa mga dukha ng libre. Ang mahirap sa trabaho nila ay ang pag-aralan ng mabuti ang hawak na kaso at pakikipaglaban sa kanilang kliyente na ito'y maabswelto at hindi makulong kahit na alam niya sa sarili niya na ang kanyang kliyente ay may sala! Aminin man nya ito o hindi. Ano ba ang importante ang tawag ng tungkulin? ang tawag ng pera? ang kagalingan sa korte? Kailangang ihiwalay mo rin ang emosyon mo 'pag ito ang trabaho mo. Hindi pwedeng maaawa ka isang rape victim kung ang kliyente mo ay naakusahang rapist. Hindi pwedeng "i-tabla" mo ang hawak mong kaso kahit na alam mong ang kliyente mo ang may utak sa pag-massacre sa Maguindanao. Hindi pwedeng paaminin mong guilty ang kliyente mong notorious na pusher na sumisira sa pamilya at kinabukasan ng maraming kabataan. Ika nga eh, trabaho lang walang personalan.


OFW (in general) - Sila ang bagong bayani kung ituring natin pero ang mga benepisyo at proteksyon ba na nararapat para sa kanila ay naibibigay? Kung akala ng karamihan ay mas madali ang mamuhay at magtrabaho sa ibang bansa eh marami ang nagkakamali diyan. Mayroong mga instances na maginhawa at madali pero kung iyong susuriin mas marami ang hirap kaysa sarap lalo't sumuong ka sa bansang wala kang kamag-anak o kaibigan. This is a case of homesick vs. dollar. Marami ang lumuluha, nagtitiis, nagdurusa at nagpapaka-api para sa kapakanan at kinabukasan ng mga naiwan nila dito sa Pilipinas. Napakalapit din nila sa tukso lalo't kung masyadong silang nabalot nang kalungkutan at pagkabagot. Ang anumang masamang problema na ibabalita mo sa kanila ay lalong magdudulot ng pagkabalisa at pagkawala ng konsentrasyon sa trabaho, skilled worker man sila o propesyonal. Ang konotasyon na ang OFW ay mayaman ay dapat nang ibasura ng mga kapit-bahay at kamag-anak ng mga naiwang OFW dito sa Pinas, na sa tuwing bakasyon ng isang OFW dito ay katakot-takot na kaibigan at kamag-anak ang humihingi ng pasalubong at kung mayroon kang nakaligtaan ay siguradong mapupulaan ka. Gustuhin man ng ibang OFW na huwag nang magtrabaho sa abroad ay hindi niya magawa dahil sa dumadami na ang umaasa sa kanya; aakalain niyang nakaipon na siya ay hindi pa pala. Kung mayroong sapat na trabaho para sa kanila sigurado mas marami ang nanaiising dito na lang mahirapan kaysa ibang bansa.


Customs Broker
- This is last on the list hindi dahil mas angat ito sa mga propesyong nasa itaas, nasa huli ito dahil ito ang aking trabaho at nais kong ipaliwanag ang hindi madaling parte ng aming hanapbuhay. Ang pagiging lic. customs broker ay isang halimbawa ng mistaken identity dahil kapag sinabing "customs broker" ang pumapasok sa isip ng karamihan ay "mayaman". Maling-mali ito. Maaaring maganda ito pakinggan pero hindi simple ang trabahong ito. Maraming mga broker (esp. young broker) ang ginagamit lang ng kani-kanilang mother company na binibigyan lang ng hindi sapat na "signing fee" sa kabila ng panganib na kanyang pinipirmahan, hindi sasapat ang kanyang natatanggap na signing fee kung magkakaroon ng matinding problema sa kanyang napirmahan. Ang gobyerno ay maaari kang habulin partikular na ang BIR, BOC at mas malupit ay ang DOJ na eventually suspensyon ng PRC ID kahit na ilang mga taon na ang nakalipas kaya't malaking problema kung hindi ka na empleyado sa napasukan mong dating kompanya na may problema. Idagdag pa natin ang pag-ayuda ng mga broker sa paglala at pagkagarapal ng katiwalian at korapsyon sa mga empleyado ng BOC, magmula pinakamataas na opisyal hanggang pinakamababang empleyado. Hindi man gustuhin ng broker na gawin ito ay wala siyang magagawa, walang choice; kailangan sumunod sa agos ng tubig kundi'y maiiwan ka kasabay ng iyong mga papel na hindi makakarating sa dapat puntahan. Ang tamang dokumento ay hahanapin ng mali at ang maling dokumento ay magiging tama kapag may panggastos. Ang tuwid na daan ay hindi mo makikita sa trabahong ginagawalan ng broker dahil mistula itong KANSER na wala nang lunas. Kung sasapat ang buwanang sweldo ng mga empleyadong ito sa kanilang mga luho maaaring masugpo ang korapsyon. Kailan? Asa ka pa. Kaya 'wag ka nng magtaka kung maraming mga empleyado at opisyal nito ang may malalawak na properties, magagandang bahay, magagarang kotse, atbp. Itatanong mo pa ba kung saan nanggagaling yun? Siyempre karamihan sa kanila ay may mga negosyo. Monkey business nga lang. Habang ang broker ay kabi-kabila ang subpoena at kasong kinakaharap dahil sa naging problema niya sa dokumento ang mga empleyado at opisyal na dapat sana'y may kaso din ay patuloy na humahakot ng "grease money". Sa pagkakaalam ko it takes two to tango.


Marami pang mga hanapbuhay ang may kakambal na hindi birong hirap na sadyang hindi ko na isinaad sa dahilang masyado na itong hahaba, nakakatamad na basahin. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi na ako saludo sa kanila na sa kabila ng hirap at hindi makatarungang baba ng kanilang mga sweldo ay ginagampanan pa rin nila nang matapat ang kanilang tungkulin. Ang trabaho ay isang napakalaking bahagi ng ating buhay; sa katunayan tayo'y isinilang para maghanapbuhay, pinag-aral, pinalaki at iminolde para dito. Kung hindi mo naranasan ang magtrabaho hindi ganap ang iyong pagkatao dahil ang pinakamayayamang tao sa mundo ay nagbabanat ng buto para magkapera. Ang pagganap sa tungkulin o obligasyon mo sa trabaho anuman ang iyong posisyon ay dapat na yakapin at mahalin, maaaring hindi sapat ang kinikita mo sa bigat nang binabalikat mong responsibilidad pero ganyan talaga ang buhay. Mahirap ang buhay malupit ang mundo; bawat tao ay may kanya-kanyang pag-iisip anuman ang gawi mo ay dapat mong panindigan; maraming nagaakala na mas matimbang ang tawag ng pangangailangan kaysa tawag nang tungkulin subalit naisip mo na ba ang magiging dulot nito sa iyo at sa iyong pamilya? Saan ka man mapunta, anuman ang pinag-aralan mo, anuman ang estado mo sa buhay kakambal na natin ang pagtatrabaho.At tandaan: Kahit ang pinakamayamang tao sa mundo ay nagtatrabaho.

Ika nga eh: "Hindi mo kasalanan ang isinilang kang mahirap pero kasalanan mo kung mamatay kang higit na mahirap".

Friday, October 8, 2010

Blasphemous Rumours


Hiramin ko muna ang titulo ng kontrobesyal na kanta ng isa sa paborito kong grupo noong 80's ang Depeche Mode.

Blasphemy is in the eyes of beholder.
Ano ba ang batayan para masasabi na isang blasphemy ang iyong ginagawa? Ang iyong isinusulat? At ang iyong sinasabi?
Ano ba ang kahulugan ng blasphemy sa isang bansang Katoliko?
Hanggang saan ba ang limitasyon ng kalayaan ng pamamahayag ng saloobin?
Ang pag-suporta ba sa RH BILL o anumang uri ng contraceptives ay pwedeng dahilan para itakwil ka ng simbahan? Na niyakap mo at ng iyong angkan simula pagkabata.
Ang contraceptives nga ba ay mga abortifacients?
Ang bawat sabihin ba ng kaparian ay isang sagrado at dapat na tupdin ng isang katolikong tulad mo?
Hanggang saan ka ba dadalhin ng iyong relihiyon?
Ito ba ay sapat at ganap na makakapagligtas sa iyo sa hindi mo gustong patunguhan?
Hindi ba sapat ang kagandahang asal na iyong ipinakita at ginawa na sa isang iglap ay bale-wala dahil ikaw ay tumangkilik sa mga contraceptives?
Sabi ng simbahan, ang artificial birth control ay isang uri ng abortion tama ba ito?
Kung ito'y tama...kung gayon napakaraming mga katoliko ang tumangkilik na rin sa abortion?! Hindi ito magandang balita.

Mababaw lang ang aking kaalaman pagdating sa relihiyon, lalo't sa blasphemy akin itong inilalahad sa paraang alam ko at hindi sa pagmamagaling, nagtatanong dahil ako'y naguguluhan, nagsusulat para maintindihan. Ang usaping pulitika at relihiyon ay napakalawak para itong karagatan na hindi masukat ang tamang lawak at lalim, iba't-ibang pananaw iba't-ibang paliwanag. Maaaring sa pananaw mo'y ikaw ay tama subalit sa iba ay mali naman pala, maaaring sa akala mo'y sapat na ang iyong kaalaman pero marami pa palang dapat pag-aralan. Isinilang akong katoliko at gusto kong mamatay ng katoliko maaaring ako'y hindi banal pero mas nanaisin ko ang relihiyong ito kaysa ibang relihiyon. Ang pagkakamali at pagkakasala ay hindi maiiwasan ninuman pero hindi ito dapat na gawing dahilan para sa patuloy at paulit-ulit na pagkakamali. Ang bigat ng kasalanan ng bawat tao sa bawat bansa ay iba-iba ngunit ang ating kasalanan sa batas ng Diyos ay pare-pareho, pantay-pantay, walang halaga kung ikaw man ay mahirap o mayaman. Walang katoliko na gustong ma-excommunicado o matiwalag sa kanyang ninais na relihiyon. Nakalulungkot malaman na ang pagsuporta at pagtangkilik sa artificial birth control ay isa palang mortal na kasalanan ayon sa simbahan kung ito nga'y isang uri ng aborsyon. Ayon sa survey halos 90% ng Pilipino ay sang-ayon o suportado ang hinahaing batas para sa artificial birth control subalit ayon naman kay Sorsogon Bishop Bastes: "What is approved by the people does not mean it is approved by God" taliwas naman ito sa lagi kong naririnig na: "Vox populi Vox Dei" - na ang ibig sabihin ay voice of the people is the voice of God. Sabi ko na nga ba iba't-ibang interpretasyon, iba't-ibang paliwanag.

Carlos Celdran, isang tour guide na ang kanyang adbokasiya ay suportahan ang RH BILL, kung ang lalaking ito ay nabuhay noong 1800'S Panahon ng Kastila (na ang tingin ng mga prayle sa kanilang sarili ay Diyos) sigurado binaril na rin ito sa Bagumbayan. Karapatan ng bawat tao na manindigan at maipaglaban ang kanyang paniniwala subalit lumampas nga ba siya at malaking pagkakamali ang kanyang nagawa? Sino ba ang magsasabing mali siya; ako, ikaw, ang pulis o ang simbahan? Sa akin lamang opinyon ay tamang-mali. Tama, dahil sa siya'y may adhikaing pinaglalaban subalit mali dahil ito'y ginawa sa isang maling lugar. Siya ba ay makabagong Jose Rizal? Na bukod-tanging katoliko na (sa pagkaka-alam ko) harap-harapang tumuligsa, bumatikos at nagbulalas sa harap ng mga matataas na namumuno ng simbahang katoliko at sinabing: "STOP GETTING INVOLVED IN THE POLITICS!" . Nakabibilib ang kanyang tapang bibihira ang katoliko na may kakayahang ipahayag ang kanyang saloobin sa "radikal" na paraan. Ngunit sa kabila ng kanyang "pagaalipusta at pambabastos" sa banal na simbahan napakaraming sumusuporta sa kanyang ginawa! Ibig sabihin nito'y ang mga taong sumusuporta kay Celdran ay sumusuporta rin sa RH BILL. Kung ang ginawa ni Celdran ay maging dahilan ng kanyang pagiging excommunicado sa simbahan dapat din bang ituring na excommunicado ang mga taong sumuporta sa kanya? Blasphemy din bang matatawag ang ginawa niyang ito? Hanggang saan ba dapat makialam ang simbahan sa pulitika? Pero teka nakikialam nga ba sila? Ang separation of church and state ay matagal ng isyu sa ating bansa subalit walang matalino na naglahad ng eksaktong depinisyon nito at walang matapang na nagpaliwanag ang hangganan ng simbahan o ng kaparian dahil siguro sa pagiging sagrado-katoliko ng karamihan ay hindi na natin ito binibigyang-diin at pansin. Kung hindi kaya nakialam at nanawagan ang simbahan na mag-aklas laban sa rehimeng Marcos sa 1986 EDSA Revolution ay magiging matagumpay kaya ito?


Sa kasalukuyan ang populasyon ng Pilipino ay mahigit na 90 milyon lubhang napakalaki nito para sa maliit na bansang Pilipinas at marami ang naniniwala na isa ito sa sagabal sa pag-unlad at pag-usad ng eknomiya. Kung kokontrolin ba ng pamahalaaan ang populasyon ng Pilipinas, ito ba'y kasalanan?
Ano ba ang mas makasalanan ang pag-gamit ng condom o pagbabasura ng mga fetus at sanggol sa kung saan-saan araw-araw?
Ano ba ang mas makasalanan ang pag-inom ng pills o pagpapa-abort ng libo-libong kababaihan?
Mas makasalanan din ba ito sa taong pumapatay dahil sa kahirapan?
Mas makasalanan din ba ito sa mga taong nagtutulak ng droga?
Mas makasalanan din ba ito sa mga taong paulit-ulit na nanghahalay ng kababaihan?
Mas makasalanan din ba ito sa mga pulitikong garapal na nagnanakaw ng pondo?
Mas makasalanan rin ba ito sa taong gumagawa ng "street crimes" dahil sa kawalan ng pera?
Mas nanaisin mo ba na maraming batang kalye na namamalimos o nagbubungkal ng basura? Sa halip na nag-aaral sa loob ng silid-aralan abala ang mga kabataang ito na maghagilap ng kung anong pagkakakitaan para may pagkain ang pamilya.

Hindi na tayo nabubuhay sa panahon ng mga makasariling mga gobernadorcillo at mga prayle na matakaw sa kapangyarihan (ayon sa kasaysayan) subalit nandiyan naman ang mga pulitiko at mga namumuno na may kaparehong ugali. Lahat ay magaling, lahat ay mahusay, lahat ay tama, lahat may tuligsa. May nagawa na ba sila para sa nagdarahop na karamihan at karaniwang pilipino? Kung ako lang ang masusunod sasabihin kong mas kalapastanganan ang ginagawa ng mga ganid na namumunong ito na nagkukunwaring maglilingkod sa bayan o sa tao at ituturing ko itong BLASPHEMY sa mataas na antas kaysa ang magkontrol ng pamilya. Pero hindi ako ang may otoridad para dito kaya bato-bato sa langit ang tamaan ay masakit.

Napakahirap ng kalagayan ni Pnoy gusto niyang isulong at panindigan ang RH BILL pero tutol dito ang simbahan. Ano ba ang mahalaga para sa kanya ang pagpigil (mapipigil nga ba o ugat lang ng korapsyon) sa lumolobong populasyon o mapagbigyan ang kagustuhan ng simbahan? Kung maisasabatas ang RH BILL maaari ba siyang ma-excommunicado gayundin ang karamihan sa Pilipino? Blasphemy din ba ito? Anti-church din bang matatawag ang batas na ito? Naisip ko tuloy ang mga Hudyo noong panahon ni Hesukristo. Gusto ko tuloy ihalintulad sa kanila ang mga taong nasa likod ng batas na ito, oo nga't hindi si Bro ang kanilang inuusig subalit sila naman ay kasangkapan para pigilan ang pag-usbong ng marami pa sanang tao sa Pilipinas! Kung ito nga ay katumbas ng pagpatay ng inosenteng sanggol na nasa tiyan pa lamang. Nakakatakot na pangitain. Ani Bishop Cruz, kasunod daw ng pag-aproba sa RH Bill ay maaaring pagsasalegal ng diborsyo, same sex marriage at aborsyon! Ito ay isang halimbawa ng lohika at teorya lamang pero siguro kapag may nagpanukala nito mas marami ang hindi sasang-ayon dito. Ang pag-gamit ng contraceptives at aborsyon ay magka-iba kaya ituring silang magkahiwalay.

Tama nga na obligasyon ng pamahalaan na bigyan ng hanap-buhay ang bawat mamamayan subalit hindi ito ang katotohanan kaya nga majority ng mga Pilipino ay gustong maghanap-buhay sa ibang bansa. Ang katotohanan ay harapin natin na dumarami ang mga Pinoy na mangmang at pulubi ang dahilan nito ay kahirapan at walang sapat na kaalaman sa pagpaplano ng pamilya. Sa katunayan kung sino pang pamilya ang salat sa buhay sila pa ang may maraming anak. Sa pagdami ng mga batang ito, hindi na sila napapakain ng tama (malnourished), marami sa kanila ang hindi nakakapag-aral (tambay), marami ang napapabayaan at naliligaw ng landas (addict). Sino ba ang nasa tamang posisyon para diktahan ang tamang bilang ng anak? Kung ang sarili nga nating pamilya ay nangangailangan ng kalinga kaya mo pa bang tulungan ang milyong batang palaboy? Kaya bang pakainin ng gobyerno ang mga batang ito? Kaya bang ibigay ng simbahan ang pangngailangan nila? Ooops...Anti-church yata ang nasabi ko! Baka ma-excommunicado rin ako at ituring na blasphemy ang blog ko na ito. :-(

Monday, September 27, 2010

Pera, pera, pera


The greed for money is the root of all evil.
Money is like the sixth sense you can't make use of the other five without it.
Whoever said money can't buy happiness simply didn't know where to go shopping.
Money, if it does not bring you happiness, will at least help you be miserable in comfort.
Money is the barometer of the society's virtue.

Money, the root of all evil but solutions to (almost) all of the problems.


Mga quotes na may kinalaman sa pera, mga katotohanan pero pilit na iwinawaksi at ayaw harapin. As I've described on my previous blog entry, Money is on top of my list of overrated things. Gaya rin ng ibang mga bagay anumang sobra ay masama subalit sa pagkakataong ito parang halos lahat na yata ng tao ay naghahangad ng marami nito. Money makes the world go round and money changes everything sarkastikong mga pananaw pero may kurot nang katotohanan. Pera ang nagpapaikot sa mundo at malamang karamihan sa mga tao. Katulad mo marami rin ay naghahangad din nito nangangarap, nananaginip, na sa pagdating ng mailap na panahon mabili ang mga bagay na maglalagay ng ngiti sa ating mga labi, magpapakalma ng magugulong mga isipan, magpapaginhawa ng ating buhay at ng ating pamilya. Oo, hindi lang pera ang nagpapaligaya sa buhay ng tao pero siguro kung mayroon ka nito madali nang magawan ng paraan kung paano ka maging masaya. Nakakalungkot malaman na karamihan na sa tao ay nakadepende ang kasiyahan sa materyal na bagay at kapag sinabing materyal na bagay kakambal nito ay pera. Pera na napaka-powerful, napaka-influential at always in control sa lahat ng oras, sa lahat ng bagay. Sinasabing ang respeto ay hindi hinihingi kundi kusang ibinibigay sa isang tao pero kung wala ka namang pera sino ba ang rerespeto sa’yo? Magmumukha ka lang gusgusing pulubi sa kalsada pero ang hinahanap mong respeto ay hindi mo makukuha. Ilan na ba ang rumespeto sa taong grasa na humihingi ng marungis na barya? Sino ba ang nagbigay pansin sa mga paslit na kumakatok sa magagarang sasakyan? Bukod sa barya, awa lamang ang kaya nating ibigay sa kanila. Sino ba ang madalas kuhaning ninong sa binyag o kasal? Gustuhin man natin o hindi, sa realidad nang buhay ang sinomang may pera ay may kapangyarihan at ang respeto pilit man ito o hindi ay naibibigay sa taong mayroon nito.

Ang batas ay pantay-pantay at ito'y para sa lahat, mayaman ka man o mahirap subalit ikaw ba ay naniniwala dito? Ang sinumang may pera sa bansang ito ay madalas palagiang nangingibabaw sa batas. Parang mga asong uto-uto ang mga pulis na nagpapasilaw sa kinang ng pera, mga piskal, abogado at huwes na pikit-matang tinatanggap ang bulto ng salapi kapalit ng pagbaluktot ng batas. Ang hustisyang nararapat na para sa iyo ay napakahirap matagpuan 'pag ikaw ay salat sa pera nakakalungkot malaman pero totoo.


Napakaraming mga tanong na ang simpleng sagot ay pera. Simple na mailap at napakahirap makamit, simple na sa buong buhay ng tao ay dito nakasentro, simple na hindi naman pwedeng iwasan.

Ano ba ang dahilan kung bakit dumarami ang pulitikong "concerned" sa mamamayang Pilipino?
Bakit ba tayo iginapang sa pag-aaral ng ating mga magulang?
Ano ba ang naging ugat noong hostage crisis sa Luneta?
Pagkagahaman ba saan ang pamamaslang noon sa Maguindanao?
Bakit ba hindi kayang ipagamot ng karaniwang Pinoy sa matinong hospital ang mga mahal natin sa buhay?
Bakit nagreresulta sa kamatayan ang karaniwang Pilipino na may mga karamdaman?
Bakit ba dumarami ang palaboy sa kalye?
Bakit ba nadaragdagan ang iskwater sa gilid ng kalsada at ilalim ng tulay?
Bakit hindi masugpo ang katiwalian sa gobyerno?
Bakit ba hindi matigil ang jueteng sa Pilipinas?
Bakit ba palagi na lang may nanghoholdap at nangingidnap?
Bakit dumaraming mga magulang ang iniiwan ang mga anak para mag-ibang bayan?
Bakit ba kakaunti na lang ang matitinong mga pulis?
Ilang mag-asawa na ba ang naghiwalay dahil sa kawalan nito?
Ilang respeto at tiwala ng kapatid, kaibigan, at kahit pamilya na ba ang nasira dahil dito?


Ang kawalan ng pera ay parang katumbas ng kawalan ng dignidad sa isang materyosong mundong ating ginagalawan, nakapagpapababa din ito ng moral na minsan nagdudulot ito ng desperasyon at maaaring makagawa ng mga bagay na labag sa kalooban, sa batas at sa Diyos. Gugustuhin ba ng isang babae na magpakaputa na pinagpaparausan ng kung sino-sinong lalaki kung mayroon siyang pera? Nanaisin ba ng isang ina na magnakaw ng isang latang gatas kung may pambili siya nito? Isusugal ba ng isang ama ang kanyang buhay sa pagnanakaw para mapa-opera ang kanyang anak na malubha? Hindi ka ba maaantig kung makakita ka sa kalsada ng paslit na nanghihiningi ng barya sa dis-oras ng gabi? Hindi ka ba makakaramdam ng awa sa mga batang naghahagilap ng mapagkakakitaan sa umaalingasaw na basura? Sa kabilang banda, ang pagkakaroon (ng labis) nito ay nagdudulot sa tao ng kumpiyansa, labis na lakas ng loob, dignidad at mentalidad na hindi ka kayang apihin dahil sa ikaw ay may pera. Madalas nga sa pagkakaroon ng kumpiyansa ay nauuwi pa ito sa kayabangan at hindi namamalayan na isa na rin siya sa nag-aalipusta sa mga kapos naman sa pera.


Pera, kung sinoman ang nag-imbento nito ay nakabibilib higit pa ito sa kung ano pa mang imbensiyon ng teknolohiya dahil kung wala nito hindi makakamit ang bawat adhikain. Mas makinang pa ito sa nakasisilaw na araw, mas mahalimuyak pa ito sa pinakamabangong pabango, mas nakabibighani pa ito sa pinakamagandang babae at mas malakas pa ang epekto sa pinakamatinding gayuma. Ang tao ang nag-imbento sa pera kaya marapat lamang na ang tao ang nagpapaikot dito hindi ang kabaligtaran pero iyon ba ang nangyayari sa kasalukuyan? Hindi man literal na pinapaikot tayo ng pera subalit ito na ang nakalakhan ng bawat isa simula nang pagkabata; Kung may pera lang sana noon si nanay; Gaano kaya kasaya ang kabataan ko kung nagkaroon ako ng game and watch, rc cars at mightykid na sapatos? Lagi ko sanang naaalala ngayon ang cake at ice cream sa tuwing birthday ko, Anong antas kaya ng kasiyahan ang nadama ko kung may pambili kami ng Nike o Tretorn noong nag-aaral ako ng Highschool? Naipamana pa sana sa akin at hindi nailit ang ibang mga alahas ni Itay kung may pangmatrikula ako sa kolehiyo. Hanggang sa kasalukuyang mga gusto at pangarap natin na Laptop, DSLR Camera, I-phone, malupit na mga shoes at bags, bakasyon sa Palawan, Tokyo o Paris. Ang sarap siguro ng pakiramdam kung hindi ka nag-aalala sa mga dumarating na bill ng kuryente, cable, credit card at iba pa. Makamit, maranasan o mapag-ipunan mo man ang ilan sa mga ito, kinabukasan babangon ka ulit para magtrabaho at kumita ng pera para naman sa ibang gusto at pangangailangan dahil ang tao naman ay wala ring kakuntentuhan. Hindi lang pinapaikot ng pera ang kamalayan ng tao idagdag mo pa ang pagiging alipin ng karamihan ng tao sa makapangyarihan at malabato-balaning hatid at dulot ng pera. Hindi na alintana ang anumang negatibong resulta masustini lang ang pangangailangan, hindi na iniisip ang masamang dulot ng pangyayari at may mga tuluyan nang nalason ang pag-iisip dahil sa pagiging gahaman at sakim. Higit sa 60% ng ating buhay ay inilalaan natin sa hanap-buhay o trabaho, hindi pa sumisikat ang araw ay bumabangon na tayo para kumayod kung hindi pera ang dahilan dito ay ano? Baka nga mahina na ang tuhod natin o lugas na ang ating buhok ay naghahanap pa rin tayo ng mapagkakakitaan. Pagod ka na ba? Huwag muna dahil may pasok ka pa bukas at kailangan mo pang kumita.


Ilang okasyon na ba ang hindi mo napuntahan dahil ikaw ay may pasok sa trabaho?
Saan ka ba makakarating kung hawak mong pera ay 'sandaang piso?
Sapat na bang magpadala ka lang ng pera sa kaarawan ng iyong anak?
Kaya mo bang laging lumiban sa trabaho para dumalo sa mga pagdiriwang?
Ano ba ang uunahin mong bilhin, bigas o medisina?
Naisip mo ba kung pagkasyahin ang 200 piso kinita sa maghapon sa lahat ng gastusin?
Hindi ka ba mapapaluha kung hindi mo kayang tulungan ang isang mahal sa buhay dahil ikaw ay kapos rin?
Sino ba ang tutulong sa'yo kung ikaw naman ang nangangailangan?
Kaya mo na bang unawain ngayon ang isang holdaper na katulad mo'y desperado na din sa pera?
Ilang araw at gabi ba ang tiniis mo para sa kapakanan at kinabukasan ng iyong anak at para may ihain sa hapag-kainan?


Sa pag-ibig daw ay pantay-pantay ang mahirap at mayaman, totoo kaya ito? Makakapagpa-ibig ka ba kung ikaw ay hikahos sa pera? Alipusta lang ang aabutin mo sa magulang na iyong nililigawan magiging para ka lang busabos sa kanila na parang isang napakalaking kasalanan ang pagiging mahirap mo. Damit, pagkain at tirahan ating mga pangunahing pangangailangan masyadong madami e kung gawin na lang nating isa: Pera. Tutal yun din naman ang kailangan para ma-fulfill ang ating basic needs ganun din ang iba pang mga pangangailangan.

Ang kalusugan ay kayamanan pero paano ba mapapanatii ang kalusugan? Libre ba ang gulay, karne, isda, gamot at bitamina?
Ang edukasyon ay isa ring kayamanan ngunit ano ba ang katumbas ng edukasyon? Hindi lahat ng tao ay may eksepsyonal na talino at kayang makapag-aral ng libre dahil sa taglay nitong angat na talino, ang edukasyon ay hindi libre at pera ang kailangan para makapagtapos ng matinong pag-aaral. Paano na lamang ang iyong pangarap na magandang bahay at modelong sasakyan kung hindi ka nakapag-aral? Lahat na yata ng kilos natin ay nag-uugat at nangangailangan ng pera? Sana nga'y mali ako subalit mali nga ba ako?

Magmula pagsilang hanggang kamatayan, magmula unang kaarawan hanggang sa libingan pera ang iyong kailangan. Magkano ba ang iyong kailangan para ipambayad sa isang nanganak sa ospital lalo na't caesarian? Hindi mo ba pinag-ipunan ang unang kaarawan ng iyong anak? Magkano ba ang gagastusin sa pagkakasakit, sa simpleng ataul at sa pagpapalibing?

Ang mentalidad na ang mayayaman ay matapobre at ang mahihirap ay snatcher ay hindi totoo kathang-isip lamang ito ng mga manunulat ng mga pelikula, komiks at teleserye. Hindi lahat ng mayaman ay mang-aapi at hindi lahat ng mahirap ay hindi marangal ang hanapbuhay kadalasan nga ay ang kabaligtaran pa ang nangyayari. Pero naniniwala pa rin ako na kailanman hindi pwedeng gamiting dahilan o katarungan ang kahirapan para gumawa ng kasamaan at kamalian alam kong hindi madali pero sa tingin ko'y ito ang tama. Bagaman, napakahirap kumita ng pera at mabibigat ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay hindi pa rin ito sapat para gumawa ng isang bagay na ating pagsisihan kung hindi man dito sa kasalukuyang buhay malamang sa kabilang dimensyon ng ating buhay kung ikaw'y naniniwala sa buhay pagkatapos ng mortal na buhay sa makasalanan at puno ng temptasyon na lupa. Maaaring hindi natin alam ang solusyon sa ibang mga problema, maaaring hirap ka na magdesisyon at lito na ang iyong isip sa kaiisip kung saan maghahagilap ng kaparaanan, maaaring ginawa mo na ang lahat ng nalalaman mong paraan, hindi pa man ito sapat ay wala ka nang magagawa. Hindi natin kontrol ang lahat ng bagay, hindi mo man alam ang dahilan sa ngayon baka sa susunod na panahon maintindihan mo ito. Huwag nating tularan ang iba na ganid sa pera siguro nga'y tama na: ang pagiging sakim sa pera ay ugat ng kasamaan. pero ano ba ang kinalamanan ng pera sa pag-gawa ng kasamaan ng tao? Ang bawat desisyon ay nakasalalay sa tao huwag isisi sa pera, sa kung kanino man o sa kung saang bagay man. Ang pag-gawa ng mabuti o masama ay "by-choice" hindi sapat sabihin na sumama ang ugali ng isang tao dahil sa siya'y yumaman maraming mga nakaririwasa sa buhay ang may magandang ugali. Huwag din isisi sa iba ang kinahinatnan ng buhay mo wala silang kinalaman sa katayuan mo ngayon. Ang pera'y mabuti kung gagamitin sa mabuti. Ang pera'y masama kung gagamitin sa masama.



Paunawa: Ang blog na inyong nabasa ay tumatalakay lamang sa relasyon nang tao sa pera at nang pera sa tao kung gaano kahalaga, kahali-halina at kaimpluwensya, sa buhay ng isang tao ang pera. Ang epekto, dahilan at sanhi nito ay inugat din para sa kaalaman ng lahat. Ang pananampalataya at paniniwala sa Diyos, obligasyon at responsibilidad sa kapwa ang tunay na mahalaga sa kahit ano pa mang bagay dito sa mundo hindi na ito nilawakan dahil ang konsentrasyon ng may akda ay tungkol lamang sa pera, pera, pera.

Wednesday, September 15, 2010

Quotes ko naman



-Ang isda ay sa paglangoy, ang sa ibon ay sa paglipad. Hindi kaya ng isda na lumipad gayundin naman ang ibon sa paglangoy. Hindi lahat ng bagay ay kaya mong gawin at i-perfect. Isa ako sa hindi naniniwala sa sinasabi nila na: "kung kaya ng iba ay kaya mo rin" hindi ito applicable sa karamihan sa dahilang tayo ay may kanya-kanyang talento at kakayahan.


-The line between being rude and being good is very thin. You can choose to control your emotions or curse that bastard person.Or if you say hello to temptation you opened the doors to betrayal & deception.


-'Wag mong laging gawing dahilan na: "Tao ka lang kaya ka nagkakamali"; Madalas naman kaya nating hindi gumawa ng kasalanan, AYAW mo lang. Oo, sadyang madaling maging tao pero mahirap magpakatao pero hindi ibang tao ang magdedesisyon sa buhay mo; walang pero, walang subalit, responsibilidad mo kung ano ang kahihinatnan ng desisyon mo.


-Wrong decision leads to regret & regret leads to desperation. No matter how regretful & desperate you are you can not turn back the hands of time. Isantabi mo muna ang kasabihang: ang hindi lumingon sa pinaggalingan hindi makakarating sa paroroonan. Maybe moving on is the best solution. Forget the past, live for today & think of your tommorow.


-Minsan kahit anong gawin para itago ang kalungkutan ay lalabas at lalabas pa rin ito. Magsuot ka man ng maskara o magtago sa likod ng mga ngiti, tumawa ka man o itago ang luha, hindi mo madadaya ang iyong sarili. Isigaw mo man sa buong mundo na masaya ka o wala kang dinaramdam, alam mo sa sarili mo na dumudugo ang puso ...mo kasabay ng paghampas ng alon sa dalampasigan na hindi kayang pigilan ninuman.


-Sometimes people forget that we are human being not human doing that our mind needs to ease, our body needs to pamper & our soul needs to rest. Of course we all need money but we also need to take a break from the stress.


-Ang pagtanda ay hindi mapipigilan ninuman..kung bday mo ngayon ang edad moy ndgdagan na naman ng isang taon. Okay lang 'yun lahat nman tayo papunta dun ang mahalaga meron kang pinagkatandaan kesa naman matanda ka na isip-bata ka pa rin, naniniwala ka pa kay sta claus at meron ka pa ring crush hanggang ngayon at umaasa na magkakatuluyan kayo someday kahit alam mo na may sarili na syang pamilya.


-Minsan nasasayang ang oras mo kahahanap ng remote ng TV hindi natin naisip pwede namang ilipat ang channel manually. Gaya lang ng problema 'yan kung hindi mo kaya sa mabilis na paraan, tiyagain mo na lang pareho din ang resulta medyo matagal nga lang.


-Subukan mong buksan ang ilaw kung may liwanag ng araw hindi mo ito mararamdaman dahil hindi ang kuryente, filament o bulb ang nagpapaliwanag sa ilaw kundi ang mismong KADILIMAN parang isang bagay na nalalaman lang natin ang kahalagahan sa panahon nang kagipitan.


-Ang tunay na kaibigan ay parang isang wiper ng sasakyan na tutulungan ka sa panahon ng tag-ulan kahit hindi mo sya pinapansin at wala kang pakialam sa panahon na may araw.


-Life is short ika nga kung ano ang nagpapasaya sa'yo basta hindi ka nakakagrabyado ng ibang tao gawin mo. Kahit na sabihin pang worst invention ang Farmville kung ito naman ang kukumpleto sa araw mo; Go for it! Sino ba sila para magpaapekto ka? Tandaan, marami tayong hindi na pwedeng gawin 'pag tayo'y tumanda na o worse 'pag nasa kabilang buhay na. Enjoy life.


-Kung galit ka sa mundo dahil sa dami ng problema mo o iniwan ka ng mahal mo o kahit pa iresponsable ang magulang mo huwag mo idamay ang ibang tao o ang mismong ang iyong sarili, may mababago at mariresolba ka ba kung mag-a-addict ka?


-Life has no BkSp that once you Enter a decision you can not Del or press Ctrl + Alt + Del to restart the wrong decisions you have made. But there's your friend who's willing to F1 you and F5 your disturbed mind, Ins some happiness and go Home to take some rest.

-Hindi sa wala ako nito. Kailan pa naging basehan nang magandang buhay ang isang bagay katulad ng Ipad, Ipod, mp3 player atbp?
Maraming tao ang mayroong magagandang bagay pero hindi masaya sa buhay
Maraming tao ang masaya sa buhay pero walang magagandang bagay
'Wag masilaw sa komersyalismo, matutong magtiis at makuntento kung ano ang mayroon tayo.
Hindi lang materyal na bagay ang materyal sa buhay.:-)

Pilipinismo



Gusto kong gumawa ng isang seryosong blog tungkol sa mga dahilan kung bakit ikinararangal at ipinagmamalaki ko ang pagiging isang Pilipino.

'Yun bang walang takot at walang bahid ng hiya na ipagyayabang sa kaharap ko maging sinoman siya at sabihin ng taas-noo na: Pilipino ako, ikinararangal at pinagmamalaki ko ito!

Ngunit habang iniisip ko ng malalim ang mga kadahilanan at mga sagot sa tanong kong ito lalo akong nagugulumihanan, napapaisip ng malalim at nasagot ko ang tanong ng isa ring tanong: Mayroon nga ba?

Matapos ang nakakahiya at pumalpak na negosasyon at operasyon ng pulisya sa nakaraang hostage crisis sa Quirino Granstand, ano pa bang mukha ang ihaharap natin sa ibang bansa?

Sapat na ba ang humingi tayo ng patawad sa buong mundo? at bangggitin na: "Patawad po dahil isa akong Pilipino at hindi ko ginusto ang maisilang sa Pilipinas". Hihintayin pa ba ng gobyerno na mamutawi sa karamihan ng Pilipino ang ganyang mga salita? Kunsabagay, marami-rami na rin naman sa atin ang may ganyang mentalidad subalit hindi lang nila maibulalas.



Dahil sa wala akong maisip na daglian at kongkretong dahilan para ikarangal ang pagiging Pilipino, nagsimula akong magtanong sa aking mga kakilala at kaibigan kung ano ba ang naiisip nilang dahilan para ipagmayabang sa mundo na tayo'y Pilipino. Nagbilang ako. Isa...dalawa...tatlo. Aabot yata ako ng hanggang isandaang bilang pero ang aking mga tinanong ay hindi rin kaagad makaisip ng pu-pwedeng isagot sa aking katanungan. Para bang sumabak sila sa isang napakahirap na pagsusulit ng mga taong gustong mag-doktor o mag-abogado.



Kung alam lang ng idolo nating si Dr. Jose Rizal na ganito ang kahihinatnan ng bansang Pilipinas makalipas ang mahigit isandaang-taon gugustuhin pa kaya niyang labanan ang mga kastila? Gustuhin pa kaya niyang ibuwis ang kanyang buhay para sa mga Pilipino sa ngayon? Ang mga katipunero at mga bayaning hindi nabanggit ng kasaysayan kaya ay masaya sa kinahinatnan ng kanilang ipinaglaban?



Sa mga may kababawan ang pag-iisip, babangitin nila ang mga tanyag na personalidad na Pilipino na pumailanglang at nakilala sa iba't-ibang larangan. May mga sobrang tuwa sa tuwing magkakaroon ng Fil-Am na finalist sa American Idol, may mga sobrang ligaya nang maisahimpapawid ang Finals ng Pilipinas Got Talent at nanalo ang isang Jovit Baldivino na para bang napakalaki nang naidulot na karangalan sa bansa eh halos lahat naman ng bansa ay may mahusay na singer. Ano ba ang pinagka-iba nya sa iba pang mahuhusay umawit?

Sapat na ba na miyembro si Allan Pineda ng grupong Black Eyed Peas para ipagmayabang na Pilipino tayo?

Sapat na ba na tinitilian at hinahangaan ngayon si Allan Pineda ng bandang Journey ng ibang banyaga para ikarangal ang pagiging Pinoy?

Sapat na ba napabilang si Charice Pempengco sa musikal na Glee?

Sapat na ba may pinoy na miyembro sa katauhan ni Nicole Scherzinger sa grupong Pussycat Dolls?

Sapat na ba na may dugong Pilipino ang mga Hollywood celebrity na sina: Enrique Iglesias, Rob Schneider, Dave Batista, Lou Diamond Phillips at Vanessa Hudgens?

Sapat na ba na mayroon tayong mahusay na direktor sa katauhan ni Brillante Mendoza na ang kanyang mga obra ay nagkamit ng iba't-ibang parangal?

Sapat na ba na mayroong tayong Manny Pacquiao na nagiging sanhi ng panandaliang pagkawala ng suliranin ng mga Pilipino?

Sapat na ba na palagian tayong nag-uuwi ng tropeo sa tuwing may kompetisyon sa WCOPA?

Sapat na ba mayroon tayong "world-class" na Madrigal Singers?

Sapat na ba na mayrron tayong Efren Bata Reyes o Django Bustamante? na hindi naman kinikilala kung hindi nagwawagi

Sapat na ba mayroon tayong isang Lea Salonga na nagwagi ng Tony Awards sa Amerika?

Sapat na ba may Filipino Chef ngayon sa White House?

Sapat na ba kinikilala ngayon ang pangalang Kenneth Cobunpue sa larangan ng paggawa ng muebles?

O kuntento na tayo na mayroong Monique Lhuillier ngayon sa larangan ng pananamit?

May pumapansin ba kay Efren Peñaflorida noong nagtutulak siya ng karitong library?

May mababago ba sa Pilipinas kung nanalo man si Venus Raj sa Ms. Universe? Makakatulong ba ito sa karamihan? Ito'y magiging panandaliang pantakip-butas lamang sa mga isyu at ating suliranin na mas mabaho pa sa umaalingasaw na patay na daga.

Walang nagmamahal sa mga talunan...kung sakaling ang mga katulad nila ay hindi nagtagumpay sa larangang kanilang pinasok sino ba ang magpapahalaga sa kanila?

Kung sakaling matalo o magretiro na si Pacquiao mayroon pa ba tayong maipagmamalaki? Kung malaos at tumanda na si Lea Salonga paano na tayo? Kung mamaos na ang boses nina Alan at Arnel Pineda o Charice, may papalit ba sa kanila na tatanggapin din ng madla?


Magpasalamat tayo at nagkaroon tayo ng mapayapaang rebolusyon na tinawag nating 1986 EDSA People Power Revolution nakilala at naging tanyag tayo dahil dito at may mga bansa pa ngang naging inspirasyon ito subalit ano na bang nangyari sa Pilipinas pagkatapos nito? Ang ideolohiya natin patungo sa ganap na pagbabago ay nananatiling pangarap, ang progreso at pag-unlad ay nakulong at nabitag ng mga makasariling bagong-lumang pulitiko pagkatapos ni Marcos. Ang kasaysayan ay walang pero at walang subalit pero nais kong itanong: May mababago kaya kung si Ninoy ang ating naging Pangulo? Sa aking palagay ay . . . .



Kung hindi pa sa nag-gagandahan at mga overpriced na mga beaches sa Palawan, Boracay, Cebu at iba pa baka nabaon na tayo sa limot gaya ng mga bansa sa South Africa, mayroon din naman tayong mga sadyang nilimot at hindi naaalagaan na Historical Landmarks na paandap-andap ay binibisita ng iilan, mga naglalakihang mga mall na pang-World record at dahilan ng pagkakalubog sa utang ng mga Pinoy na magastos; Subalit pwede na ba itong mga dahilan para ikarangal ang pagiging Pinoy? Sadyang mahirap talaga sagutin ang tanong na ito lalo't ang Pilipinas ay balot ng iba't ibang kontrobersiya, anomalya, puno ng katiwalian, kawalan ng disiplina, problema sa polusyon, populasyon, kahirapan, lahat na.



Kung ang batayan natin ng karangalan ay ang pagkakaroon ng mga sikat na personalidad kung ganoon ay mas maraming dahilan para ikarangal ng mga Ingles at Amerikano ang kanilang lahi dahil sa dami ng mga sikat at popular na kanilang "na-produce". Siksik, liglig at umaapaw ang mga musicians, artista, sports personalities, imbentor, scientists at iba pa na napakahuhusay sa iba't-ibang larangan.

Hindi ba pwedeng makilala ang Pilipino sa larangan ng agham, teknolohiya o siyensya? Ano na ba ang naiambag natin dito? Siguro'y maiisip mo ang Flourescent Lamp ni Agapito Flores datapwat hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kinikilala sa mundo ng siyensya. Nakakalungkot isipin na napakarami nating mga imbentor at imbensyon na pwedeng linangin para maipagmalaki sa buong mundo subalit wala man lamang natatanggap na suporta at ayuda galing sa gobyerno kahit sino pa man ang nakaupo, napakaraming mga Pilipino na may potensyal sa larangan ng palakasan subalit ang pondong para sa kanila ay garapal na ninanakaw.



Napakasarap sanang marinig na ang mga Pinoy ay tanyag dahil sa napakagandang uri ng pamumuhay, napakahusay na pamamahala ng gobyerno, maunlad na ekonomiya, may mga imbensyon na hindi ninakaw ang ideya kunsabagay tanyag naman tayo eh sa negatibong aspekto nga lang. Sa ganang akin hindi ko ipinagmamalaki na mayroon tayong mga OFW sa iba't-ibang bansa na umaabot sa 11M sumasalamin lamang ito na ang bansang ito ay nangangailangan ng tulong at hindi nya kayang suportahan ang pangangailangan ng karamihan sa Pinoy. Kung sakaling bumaba ang bilang ng mga bagong bayani nating ito (hindi dahil sa pinalayas sila ng kanilang mga amo) at dito na sila naghahanapbuhay at kumikita ng sapat at hindi na nila kailangang magpamura sa mga Intsik, magpamaltrato sa mga Arabo, alipustahin ng Ingles, pagtawanan ng Singaporeans, maranasan ang diskriminasyon ng Amerikano; Ito ang dapat nating ipagmalaki! Hindi ang remittances ng mga kababayan nating OFW. Kung mayroon lang sanang sapat na programa at trabaho para sa kanila marami sa kanila ang hindi nanaisin na magpaalipin sa dayuhan. Sino ba ang gustong mawalay sa pamilya? Sino ba ang gustong magpayurak ng dangal sa banyaga? Sino ba ang gustong magtiis sa gutom? Sino ba ang gustong lumuha gabi-gabi?


Sa iyong paglabas ng bahay at pagpunta sa iyong trabaho;

Wala ka bang nakitang tambak ng basura? Wala ka bang nakitang jeepney driver na hindi nagbaba sa gitna ng kalsada? Wala ka bang nakitang sasakyan na hindi nag-beating the red light? Wala ka bang nakitang tricycle sa gitna ng main road? Wala ka bang nakitang pedicab, kuliglig o pribadong sasakyan na hindi nag-counterflow o naghari-harian sa daan? Wala ka bang nakitang nagkalat na pulubi sa kalye? Wala ka bang nakitang pulis na tumityempo ng makokotongan? Wala ka bang nakitang tumatawid sa ilalim ng footbridge? Wala ka bang nakitang iskwater sa gilid ng kalsada o ilalim ng tulay?

Sa iyong panonood ng TV, pakikinig sa AM radio o pagbabasa ng dyaryo;

Wala ka bang nabalitaan na nangholdap dahil sa kawalan ng hanap-buhay? Wala ka bang nabasa tungkol sa tiwaling opisyal ng pamahalaan? Wala ka bang napanood na pagmamagaling ng mga pulitiko sa isang usapin o imbestigasyon? Wala ka bang nabalitaan na pumalpak na pamamahala nang isang sangay ng gobyerno? Wala ka bang nabasa na tangkang welga ng mga empleyado o ng sinumang pribadong sektor?

Kung ang sagot mo sa lahat ng katanungang ito ay isang napakatunog na WALA, mayroon na tayong mga magandang dahilan at siguro pwede na nating sabihin na: PILIPINO AKO, KINARARANGAL AT PINAGMAMALAKI KO ITO! Subalit napakalabong mangyari ito sa ngayon at sa susunod pang sampu o dalawampung taon.


Kung gagawa ako ng mababaw na dahilan para maipagmalaki kong Pilipino ako, may naisip na ako: Eraserheads at ang mga kanta nito. Ang babaw ko no? Sabihin na nating oo pero ganito rin naman talaga ang karaniwang Pinoy: mababaw pero matatag, paladasal pero patuloy sa pagkakasala (sino bang hindi), nagmamalinis ubod naman ng dumi, palatawa kahit na may problema; sa sobrang masayahin nga ng Pinoy ay ginagawa nating katatawanan ang kahit anumang bagay gaya ng pagpapalitrato ng todo-ngiti sa bus na pinangyarihan ng hostage-taking (nakakatuwa pa ba ito?)


Ang awitin ni Noel Cabangon na "Ako'y isang mabuting Pilipino" ay may napakagandang mensahe, ang sumulat nito ay isang Optimistiko na sa kabilang negatibong imahe ng Pilipinas nakagawa siya ng isang kanta tungkol sa pagiging mabuting gawain ng Pilipino subalit ang pagiging optimisko niya ay humihiwalay sa realidad na buhay ng mga Pinoy. Sa kabilang banda, hindi naman ako pesimistiko napansin ko lang na ang lahat ng mga nakasaad sa kantang ito ay taliwas sa gawi ng Pinoy, sana hindi lang sa kanta natin marinig ang mga mabubuting Pilipino kundi sa realidad at totoong buhay.


Sadyang mahirap mahirap ang buhay pero mas mahirap yata ang maging Pilipino pero may pag-asa pa, Kailan? Yun ung ang hindi ko alam.