Kakaiba ang gabing ito.
Nararamdaman ko.
Kahit pangkaraniwan na sa
amin ang magtungo sa lugar na ito, pakiramdam ko'y may sorpresang mangyayari
ngayon. Siguro tutuparin na ni André ang pangako niya sa akin na tuluyan na
kaming magsasama. Matagal na niya kasing sinasabi sa akin na darating ang araw
na magkakatuluyan kami, magsasama sa isang bubong at hihiwalayan na niya si
Stephanie. At alam kong ito ang araw na 'yon. Ngayon na ang katuparan ng
kanyang mga ipinangako.
Pangkaraniwang araw sa pangkaraniwang
lugar. Biyernes. Temptation Motel.
Nandito kami ni André sa
lugar kung saan muli naming pagsasaluhan ang isang masayang sandali at muling
lilikha ng isang masarap na alaala.
Masayang sandali.
Dahil sa tuwing magkasama
kami sa lugar na ito ay walang puwang ang anumang lungkot sa aming dalawa ---
ang pagbulong niya sa akin ng katagang Mahal
Kita ay nagpapawi ng lahat ng problema ko sa buhay. Kahit minsan
pinapaalalahanan ako ng aking konsiyensiya dahil sa komplikadong relasyon
naming ito -- hindi ko na 'yon alintana. Wala na akong pakialam.
Ang mahalaga para sa buhay
ko ngayon ay kung ano ang nagpapaligaya sa akin. At si André ang dahilan ng
lahat ng ito. Hindi ko nais ang iba. Kahit sino pa sila.
Ewan ko ba kung bakit ang
isang gaya kong kahit papaano'y may pinag-aralan naman ay 'di maibukod ang tama
sa mali at ang kasalanan sa hindi. Itinuring ko siyang malaking biyaya para sa
buhay ko kahit alam kong taliwas ito sa kagustuhan ng Diyos. Kasalanan na kung
kasalanan pero wala na akong pakialam. Siguro kahit paulit-ulit akong humingi
ng tawad sa Kanya hindi niya pa ako mapapatawad sa ngayon. Hangga't hinahayaan
at patuloy kong inilulubog ang aking sarili sa putikan.
Gustuhin ko mang iwaksi ang
nararamdaman ko para kay André -- hindi ko magawa.
Gustuhin ko mang itama ang
lahat ng mga mali kong ginawa -- hindi pa ako handa. At kung totoong mayroong
Langit para sa mga taong matitino at Impiyerno para sa mga gagang tulad ko, sa
bigat ng kasalanan kong ito sigurado malalapnos hanggang 4th degree burn ang
kaluluwa ko.
Kahit naisin kong magbago at
magpakatino pero pa'no nga ba? Wala na. Hindi ko na alam ang kasagutan sa
tanong na 'yan. Lubog na ako sa kasalanan, lunod na ako sa labis na pagmamahal
ko kay André. Iniisip ko pa lang na mawawala siya sa akin parang nalalagutan na
ako ng hininga.
Masarap na alaala.
Dahil ang bawat haplos ni
André sa aking katawan ay may dalang kakaibang libog para sa akin. Ang
sensasyong aking nararamdaman ay parang rumaragasang tubig sa ilog na hindi
kayang pigilan ninuman. Ang kanyang bawat dampi ng halik ay tila hinahatid ako
sa isang paraiso kung saan nais ko nang manatili ng habang-buhay. At ang bawat
pakikipagniig ko sa kanya ay nagbigay depinisyon sa akin kung ano ang tunay na
kahulugan ng langit. Siguro ito na rin ang dahilan kung bakit hindi na ako
gaanong natatakot na mapunta sa impiyerno -- dito pa lang kasi sa lupa narating
ko na ang langit, at paulit-ulit pa.
Si André ang langit para sa
akin, si André ang langit sa buhay ko. Na sa tuwing hinahagod niya ang aking
kahubdan nagpapaaala ito sa akin na ganito kasarap ang mabuhay at dapat masulit
ito ng bawat segundo. Na sa tuwing hinahalikan niya ang mga labi ko at
malasahan ang sakdal sarap na kanyang laway ito ang nagsasabing may mas matamis
pa kaysa sa asukal lang. Na sa tuwing nasa loob ko ang kanyang buong kahindigan
ito ang kumukumpleto sa aking pagkababae at bumubuo ng mga pangarap kong
muntikan nang malimot ng tadhana. Oo, naniniwala akong kami ang nakatadhana at
naniniwala akong magiging kaming dalawa.
Hindi 'yung ganito, hindi
'yung patago.
Hindi 'yung kailangang
naka-schedule pa kung kailan namin pwedeng ilabas ang libog namin sa isa't isa.
Hindi 'yung kailangang
nakadepende sa oras niya kung kailan kami muling magkikita.
Ilang ulit na nga kaming
nagtungo rito?
Ilang ulit na nga naming
pinagsaluhan ang masasayang alaalang ganito?
Ilang beses na nga naming
tinikman ang masasarap na sandaling ito?
Ilang beses na nga naming
narating ang motel na ito?
Ewan ko.
Hindi ko na mabilang. Hindi ko na alam.
Ang alam ko lang ay hindi
siya pwedeng mawala sa akin. 'Tangina! Si André ang lahat sa akin at hindi ako
basta papayag na sa tutungo lang sa kawalan ang tagal ng paghihintay ko. Naging
sandigan ko ang kanyang mga pangako at kahit may tsansang maiba ang ending ng
aking gustong kwento hindi mapapasubalian na sanay na ako sa kanyang
pagmamahal.
Si André na parang ginto sa
kumpol ng mga pilak -- namumukod tangi, kumikislap.
No comments:
Post a Comment