Minsan kailangan mong magalit upang maramdaman ng iba na ikaw'y nasasaktan na.
Minsan kailangan mong umiyak upang mas madama ang kaligayahang naghihintay.
Minsan kailangan mong madapa upang malaman ang aral ng buhay.
Minsan kailangan mong magkamali upang lubos na maunawaan ang tama.
Minsan dapat mong maranasan ang lungkot para mas matamis ang ngiti sa darating na bukas.
Minsan parang dapat na magyabang para kumalma ang higit na mayabang.
Minsan dapat mong maranasan ang kabiguan para sa pag-usbong ng bagong pag-asa.
Minsan parang dapat na itigil ang pagtikom ng bibig para masawata ang bibig na matabil.
Minsan mapipilitan kang magbulag-bulagan upang hindi masaksihan ang pagdurusa na 'di mo kayang ibsan.
Minsan mapipilitan kang magbingi-bingihan upang pansamantalang hindi marinig ang hinaing nang nahihirapan.
Minsan mapipilitan kang maging manhid upang makausad ka sa lakad ng iyong buhay.
Minsan mapipilitan kang manahimik upang magparaya at 'di makasakit ng ibang damdamin.
Minsan makabubuti ang sumuko sa isang laban dahil may ibang laban na nakalaan sa iyong tagumpay.
Minsan makabubuti ang magkunwari dahil mas maiiwasan dito ang nakaambang kaguluhan.
Minsan nakabubuti ang pagkakaroon ng mabigat na problema dahil dito nalalaman ang iyong tunay na kaibigan.
Minsan makabubuti ang magpalinlang dahil dito natin mararamdaman ang tunay na nagmamalasakit.
Minsan mapipilitan kang magsinungaling para sa ikabubuti ng mas nakararami.
Minsan mapipiltan kang magsawalang-kibo para hindi lumala ang magulo nang sitwasyon.
Minsan mapipilitan kang magdamot para hindi maabuso ang 'yong kabaitan.
Minsan mapipilitan kang magtanga-tangahan para alamin kung sino ang mas tunay na tanga.
Pero dapat minsan lang...
Uy may mahusay na naman kaming natagpuan dito sa blogsphere.
ReplyDeleteDapat minsan lang kami dadalaw pero sabi nila dapat madalas.
Maganda ng pagninilay mo sa buhay.
Ito ay para mas maging balanse ang pakikibaka.
Hi
tnx.
ReplyDeletesana ganito palagi ang mga status sa facebook. may sense.
ReplyDelete