Maaaring walang sagot sa tanong na 'kung bakit ka mahalaga?' Ngunit paano mo tutugunin ang katanungang 'paano ka magiging akin?' kung itinadhana kayo sa iba?
Hindi mabilang ang mga kadahilanan para ika'y magustuhan at ang mga dahilang ito ang nag-uugnay sa akin patungo sa'yo.
Ang walang pagsidlang kasiyahan sa tuwing kausap ka,
ang ngiti mong nasisilayan kahit 'di ka kasama,
ang nagkukulay sa bawat umagang 'di madaling ipinta,
ang 'yong tinig na umaalingawngaw sa isip ang bawat salita.
Gusto kong pagsisihan at pahalagahan ang unang araw na akin kitang nakilala.
Pagsisihan, dahil hindi ko ginusto ang malagay sa ganitong kalagayan, pinilit na itinatanggi ang nararamdaman ngunit mas lalo lang akong nahihirapan -- mas lalo lang umaalpas ang damdaming hindi pala kayang pigilan ng anuman at ninuman.
Pahalagahan, dahil ikaw ang presensiya ng pagkalinga sa panahong lumisan ang tiwala at pag-asa, ang sandigan sa mga sandaling kinailangan ko ng taingang makikinig sa tinig at hinaing na 'di maaring ipagkatiwala sa iba -- naging sandalan at bukaspalad na tinanggap ang negatibong asal na iilan lamang ang nakakaunawa.
Ikaw ang pumapayapa sa mga araw na ako'y naguguluhan ngunit ikaw rin ang bumabagabag sa gabing dapat sana'y kapayapaan.
Mahirap maintindihan ngunit unti-unti't dahan-dahang ika'y aking hinahanap.
Sa bawat pagtunog ng telepono sa tuwing umaga dahil alam kong 'yon ay may dulot na saya.
Sa bawat pag-alerto ng mensahe sa cellphone na kahit ang simpleng 'magandang umaga' ay tila napakahalaga.
Sa bawat email na natatanggap na magiging motibasyon sa maghapong sinusubok ang pasensiya.
Ikaw ang nagpapaalala na ang araw ay 'di dapat nag-uumpisa at nagtatapos nang alas-otso hanggang alas-singko.
Ikaw ang nagpapaalala na ang buhay ay 'di lang tungkol sa hanapbuhay at trabaho.
Ikaw ang nagpapaalala na ang kasiyahan ay 'di dapat nakasalalay sa dami ng dokumento.
Ikaw ang nagpapaalala na may pag-asa at saya sa pagitan ng pagsubok at problema.
Nakalulungkot lang na hindi sasapat ang mga dahilang ito para maiguho natin ang pader na naghihiwalay sa ating dalawa. Siguro'y mas dapat na magpasalamat dahil tayo'y nagtagpo sa pagkakataong mahirap unawain ang mundo, sa panahong ang kahulugan ng maraming bagay ay negatibo, sa mga oras na kinailangan nating ngumiti sa kabila ng maraming nagbabalat-kayo.
Kung 'paano ka magiging akin' ay 'di ko kayang sagutin ngunit sapat nang malaman mo ang mga dahilan kung bakit mahalaga ka para sa akin.
Koleksiyon ng mga sanaysay, kabalbalan, kwento, opinyon, tula, suhestiyon, obserbasyon, kathang-isip at katotohanan na sumasalamin sa pang araw-araw na buhay ng pangkaraniwang tao. Hindi nito tinatangkang impluwensiyahan ang pag-iisip ng bawat mambabasa bagkus ay inilalatag at inilalahad lamang kung ano ang karaniwang nakikita sa kapaligiran na madalas naman ay winawalang bahala.
Wednesday, March 1, 2017
Monday, January 16, 2017
Tagumpay At Pagbabago
Sa tuwing sasapit ang bagong taon marami ang namamanata nang pagbabago. Pagbabago na makalipas ang labingdalawang buwan ay wala namang nabago, pagbabago na tila sa unang mga buwan lang ng taon ginagawa. Marahil dahil kulang sa pagpupursigi, pananalig, puso at dedikasyon ay palaging hindi naisasakatuparan ang pagnanais na magbago. Hindi madaling sila'y sisihin, hindi madaling sila'y husgahan dahil minsan tayo mismo ay may pagbabagong nais na mangyari sa ating buhay pero hindi natin magawa. Maraming dahilan at maraming dapat na ikonsidera ngunit ang pinakamahalaga kung nais mo nang pagbabago dapat handa ka para rito; may sakripisyo para makuha mo ang iyong gusto at hindi darating ang pagpapala kung wala kang gagawin para makuha mo ito.
Lahat tayo ay may pagnanais na makamit ang tagumpay, tagumpay na kadalasan ay ginagawa ang lahat kahit na makasakit/ makaagrabyado ng iba. Ang tagumpay kasi para sa marami ay katumbas ng kapangyarihan, kasikatan at kuwarta. Naalala ko 'yung isang quote sa isang pelikula na 'sa pagnanais nating maging magaling kinakalimutan natin ang pagiging mabuti'. Kung bakit ba kasi obsessed ang mga tao sa kapangyarihan, kasikatan at kuwarta, kung bakit na naman kasi ang batayan ng pagiging matagumpay ay ang pagiging mataas ng iyong estado sa buhay kumpara sa nakararami.
Kadalasan, ang pananaw natin sa pagiging matagumpay ay ang magwagi sa hangganan ng buhay -- ang siyang tugatog o pedestal na dapat nating abutin. Sa karera ng buhay hindi dapat tayo nakatanaw sa may dulo lang para magtagumpay dapat ang tagumpay ay nakasalalay sa bawat hakbang ng ating buhay, sa bawat araw na ating nilalakbay. Ang maging masaya sa bawat araw ay isang tagumpay hindi ang magmukmok dahil hindi nakamit ang isang materyal na bagay. May oras at panahon sa bawat bagay at kung ang bawat araw ay iyong kinayayamutan mahirap hanapin ang tagumpay sa mga araw na darating pa.
Minsan, ang tagumpay ay gaya rin ng pagkabigo -- natatanaw.
Anong tagumpay ang mayroon ka kung ikaw ay tatamad-tamad sa buhay? Gaya ng pagkabigo madaling mawari kung ikaw ay magtatagumpay o hindi.
Upang magtagumpay at makamit ang nais na pagbabago dapat mapanatili ang tatlong bagay:
Ang taong tanga sila 'yung nga tao na nagkakamali ngunit hindi nagsisisi at hindi natututo sa kanilang pagkakamali. Ang taong matalino sila 'yung nagkakamali pero sinasabuhay nila ang leksyon sa likod ng kanyang pagkakamali. Samantalang ang taong mautak sila 'yung mga taong sinasabuhay ang leksyon sa likod ng pagkakamali ng iba.
Hindi madaling maging taong mautak sa lahat ng pagkakataon pero sana sa tuwing tayo'y magkakamali maharap natin ang naging resulta ng bawat pagkakamaling ating ginawa. Hindi tayo perpekto pero hindi natin kailangang maging perpekto para maging mabuting tao, hindi tayo anghel pero hindi natin maging santo para gumawa ng mabuti para sa ibang tao, hindi lahat tayo matalino pero hindi tayo bobo para malamang ang tagumpay ay wala sa pag-apak sa ibang tao.
Lahat tayo ay may pagnanais na makamit ang tagumpay, tagumpay na kadalasan ay ginagawa ang lahat kahit na makasakit/ makaagrabyado ng iba. Ang tagumpay kasi para sa marami ay katumbas ng kapangyarihan, kasikatan at kuwarta. Naalala ko 'yung isang quote sa isang pelikula na 'sa pagnanais nating maging magaling kinakalimutan natin ang pagiging mabuti'. Kung bakit ba kasi obsessed ang mga tao sa kapangyarihan, kasikatan at kuwarta, kung bakit na naman kasi ang batayan ng pagiging matagumpay ay ang pagiging mataas ng iyong estado sa buhay kumpara sa nakararami.
Kadalasan, ang pananaw natin sa pagiging matagumpay ay ang magwagi sa hangganan ng buhay -- ang siyang tugatog o pedestal na dapat nating abutin. Sa karera ng buhay hindi dapat tayo nakatanaw sa may dulo lang para magtagumpay dapat ang tagumpay ay nakasalalay sa bawat hakbang ng ating buhay, sa bawat araw na ating nilalakbay. Ang maging masaya sa bawat araw ay isang tagumpay hindi ang magmukmok dahil hindi nakamit ang isang materyal na bagay. May oras at panahon sa bawat bagay at kung ang bawat araw ay iyong kinayayamutan mahirap hanapin ang tagumpay sa mga araw na darating pa.
Minsan, ang tagumpay ay gaya rin ng pagkabigo -- natatanaw.
Anong tagumpay ang mayroon ka kung ikaw ay tatamad-tamad sa buhay? Gaya ng pagkabigo madaling mawari kung ikaw ay magtatagumpay o hindi.
Upang magtagumpay at makamit ang nais na pagbabago dapat mapanatili ang tatlong bagay:
- Puso - sa lahat ng bagay na iyong gagawin at nanaisin dapat ito'y laging nasa puso. Hindi maaring gawin mo ang isang bagay dahil ito'y nais ng iba, para ma-please ang iba at para sa kapakanan ng iba, gawin lang motibasyon ito para sa gagampanan at gagawin ngunit higit sa lahat ang iyong puso ay 'di dapat mawawala. Ang anumang bagay na hindi ginampanan mula sa puso ay siguradong may kakulangan na tanging sinseridad lang ng puso ang makapupuno.
- Layunin - kung walang layunin mong gagawin ang isang bagay hindi ito matatawag na tagumpay. Kung ang nais mo lang ay makipagkumpitensiya sa mga taong gusto mong makita na nasa ilalim mo anong uri ng tagumpay ang dapat ditong itawag? Ang layuning tinutukoy dito ay ang 'mabuting layunin' hindi ang layuning ipamukha sa iba kung gaano ka naging makapangyarihan, kung gaano na karami ang iyong pera at kung gaano ka naging kasikat. Ang layuning magtagumpay at ang layunin para sa pagbabago ay dapat sa kapakanan ng ikabubuti ng pamilya at para sa sarili.
- Disiplina - sa likod ng isang tagumpay ay ang pagiging disiplinado. Kailangan mong kontrolin ang iyong sarili sa mga bagay na magpapabagal sa iyo sa pagkamit ng tagumpay at pagbabago. Ang lahat ng mga taong naging matagumpay sa buhay ay tiyak na dumaan sa puntong ito. Papaano mo makakamit ang mala-Adonis o mala-Venus na katawan kung wala kang kontrol sa pagkain? Papaano mo mabibili ang pangarap na bahay at lupa kung laman ka ng mall sa tuwing ito'y may Sale? Ang pagkamit ng tagumpay ay kakambal ng disiplina at sakripisyo.
Ang taong tanga sila 'yung nga tao na nagkakamali ngunit hindi nagsisisi at hindi natututo sa kanilang pagkakamali. Ang taong matalino sila 'yung nagkakamali pero sinasabuhay nila ang leksyon sa likod ng kanyang pagkakamali. Samantalang ang taong mautak sila 'yung mga taong sinasabuhay ang leksyon sa likod ng pagkakamali ng iba.
Hindi madaling maging taong mautak sa lahat ng pagkakataon pero sana sa tuwing tayo'y magkakamali maharap natin ang naging resulta ng bawat pagkakamaling ating ginawa. Hindi tayo perpekto pero hindi natin kailangang maging perpekto para maging mabuting tao, hindi tayo anghel pero hindi natin maging santo para gumawa ng mabuti para sa ibang tao, hindi lahat tayo matalino pero hindi tayo bobo para malamang ang tagumpay ay wala sa pag-apak sa ibang tao.
Tuesday, October 25, 2016
MARIA
I.
Hinahanap
ko sa
kasalukuyan
ang
wangis
mong bukod
na
pinagpala sa babaeng
lahat,
ang siyang
babaeng
walang sala't
sakdal
linis na
nagluwal
kay Hesus
na Hari
ng awa,
ang
siyang babaeng
puspos ng
luwalhati
at
pananampalataya
sa mundong puspos
ng
pagkakasala.
Bagaman
maririnig
lamang
ang ngalan
ng Ama,
ng Anak
at
ng
Espiritu Santo
sa dasal
na inuusal ng
tulad
kong sakdal ang
sala.
Bagaman wala
ang 'yong
ngalan sa
panalanging
'Ama Namin'
na aming
dinadalangin
sa tuwing
kami'y gipit,
may
karamdaman o
suliranin.
Ikaw nama'y
napupuno
ng
grasya at
biyaya.
'Di tulad
naming
lumalapit
sa disgrasya't
pagkapahamak.
Lumalayo't
lumilimot
sa
pananampalataya
sa Ama na
May Likha.
Nakaluhod,
nakapikit,
nagpupuri't
nag-aantanda,
sa Langit
ay nakatingala,
umuusal
ng kabanalan
ngunit
makalipas ang
'Amen!'
muling babalik
sa
pagkakasala.
II.
Hinahanap
ko sa
kasalukuyan
ang
wangis
mong mayumi't
'di
makabasag-pinggan.
Babaeng
kay hinhin
na
pamantayan ng
konserbatibong
kababaihang
pilipino.
Datapwa't
kimi at
matipid
ang bawat
ngiti,
ikaw'y lubos
na
hinangaan at
niliyag
ng pilipinong
nabilanggo,
naharuyo't
nabighani
sa tila
perpektong
katangiang
iyong
tinataglay.Datapwa’t
ikaw ay
kinatha
lamang ng
dakilang si
Gat Jose
Rizal sa
Kanyang obrang
nobela,
'di
maiwaksing
ikaw
ang
sinadyang
simbolismo
ng
moralidad
na bumubuo
sa sakdal
linis na
kapurian
ng kababaihan.
Ang iyong
pagiging
masinop,
masunurin,
tahimik
at marespeto
sa kapwa,
lalo't sa magulang
na wari'y
inspirasyon at
ehemplo
ng napag-iiwanang
lipunang
konserbatibo'y
'di sana
sumabay sa
pagkalimot
at pagwaglit
ng marami
sa konseptong
ang
kabataan ang siyang
pag-asa
ng bayang ito.
III.
Hinahanap
ka sa
kasalukuyan
ng
mundong
puspos ng
pagkukunwari't
makamundong
isipan.
Ang wangis
mong
liberal at moderno,
babaeng
simbolismo ng
pagiging
malaya. May
layang
gawin ang mga
bagay
ayon sa kanyang
nais at
'di dahil sa
dikta ng
iba, may
layang
kumilos
nang
walang anumang
kritisismong
inaalala.
Hinahangaan
at pinupuri
ng marami
ngunit
hinuhusgahan
at
niruruyakan
ng mas
marami pa
- yaong mga
sensitibo
sa isyu ng
moralidad
ngunit 'di
nakikita
ang sariling
pagkakasala.
Bagaman
ang
maganda mong
mukha,
makinis mong
katawan
at ang iyong
kahubdan
ay naglipana't
pinag-ukulan
ng pansin
ng
makasalanang mga
mata at
nagpalukso ng
libo-libong
libido
sa
magasin,
sa dvd at
sa
internet
na ang
tema ay porno.
Bagaman
kinukutya ng
moralistang
animo'y
walang
sala't sakdal linis.
Niliiyag
ka pa rin ng maraming
kalalakihan
- hahamakin nila
ang
lahat, iaalay kahit
na ang
kalangitan at
tatawagin
nila itong
pagmamahal.
Ngunit
maiiwan
ang
katanungang
'pag-ibig
nga ba o
isang pagnanasa?'
- - - - - -
Ang Akdang ito ay ang aking lahok sa 2016 Saranggola Blog Awards sa kategoryang Tula
Sa pakikipagtulungan ng mga sumusunod na sponsor:
Labels:
2016 Saranggola Blog Awards,
pag-asa,
pag-ibig,
Pananampalataya,
sba,
tula
Friday, September 30, 2016
D I G M A A N
![]() |
| Mula sa Google ang larawan |
(Paunawa: Ang akdang ito ay kathang-isip
lang. Anumang pagkakahawig nito sa pangalan, karakter, istorya, lugar at
pangyayari ay representasyon lamang nang nangyayaring kalagayan ngayon ng ating bansa)
- - - - - -
Matagal nang may digmaang namamayani sa
isip ni Michael. ‘Di niya matiyak kung ang digmaang ‘yon ay dahil sa nabigong
pangarap na makapagtapos ng pag-aaral o dahil sa pagkadismaya sa nangyari sa
kanyang pamilya o dahil sa kawalan niya ng matinong trabaho. O marahil dahil sa
lahat ng kadahilanang ito.
Mataas noon ang pangarap ni Michael sa
buhay. Ninais niyang maging pulis ngunit dahil sa pag-abandona ng kanyang ama
sa pamilya maaga siyang naging palaboy ng lansangan. Tipikal na kuwento ng
mahirap na pilipinong naninirahan sa lungsod.
“Tangina ‘tol last ko na talaga ito. ‘Pag
nadeliver ko ‘tong bato na ‘to kay Chua, batsi na ko. Baka madale pa ko ni
Duterte mahirap na.” kausap niya si Jonas, isa ring tulak ng droga na tulad
niya. Mga small time pusher ng Baranggay 73 ng Malabon.
“Ikaw, bahala ka. Sabi ni chief hindi naman
daw tayo magagalaw dahil malakas tayo sa taas. ‘Yung mga napapatay daw e ‘yun ‘yung mga
kupal na mahihina ang kapit sa taas. Ibahin mo si chief, hindi ‘yun kaya ni
Bato!” mayabang na sagot ni Jonas.
Sa binigay na deskripsyon sa kanila ni Michael
ay tiyak na sila na si Chua na nga ang paparating. Pero bago pa man makalapit
si Chua sa kanila ay nagpaalaam na si Michael kay Jonas. “P’re sandali ah, iihi
lang ako.” Bago pa man magalit o sumang-ayon si Jonas ay nakaalis na si Michael.
Ewan pero kakaiba ang nararamdaman ni Michael
ng gabing ‘yon. May kung sinong bumubulong sa kanya na umalis na sa lugar na
‘yon. Nagtatalo ang kanyang isip at desisyon kung babalikan niya pa si Jonas o
hindi na.
“Bahala na” bulong ni Michael sa kanyang
sarili sabay sakay sa jeep na biyaheng Gasak.
Nakatulugan na ni Michael ang paghihintay
sa text mula kay Jonas. Kinabukasan na nito nalaman ang balita tungkol kay
Jonas – Isang Jonas Gorospe ang pinaghihinalaang tulak ang nanlaban sa mga
parak, patay.
Bumalik ang digmaang noon pa ma’y nananahan
sa isip ni Michael. Nag-aalala siya ngayon sa kanyang buhay. Desidido na siya –
boluntaryo siyang susuko sa otoridad upang makapagbagong buhay. Itutuloy niya
rin ang pag-aaral sa kolehiyo, mag-aaral siya sa gabi at magtatrabaho siya sa
umaga tutal aniya’y sa edad niyang beinte-sais ay ‘di pa naman daw huli ang
lahat. At ‘di kailangang maging hadlang ang edad sa pagtupad ng pangarap,
dagdag pa niya. Alam niyang hindi madali pero kailangang ‘yun ang kanyang
gawin.
Halos dalawang buwan pa lang sumasamang
nagtutulak ng bato si Michael kasama ni Jonas na kanyang kababata. Batid niya ang panganib nito sa kanyang buhay
at sa buhay ng ibang taong malululong dito pero kibit-balikat na lamang siya
dahil walang tumatanggap sa kanya sa trabaho. Kunsabagay sino nga ba naman ang
magbibigay ng oportunidad sa isang taong laman ng kalsada at hindi nakapagtapos
ng pag-aaral? Kung susuriin hindi lang naman droga ang problema ng bansa,
marami pa. Napakarami. At dumadagdag pa sa suliraning ito ang pagiging
makasarili ng mga tao na tila dinadaig na ng taong naninirahan sa lungsod ang
mga hayop sa kagubatan sa bagsik at kalupitan.
Kung gaano kakarampot ang kinikita sa
pagtutulak ng mga small time pusher sa kalye ganun naman kalaki ang panganib na
kanilang kinakaharap ngayon, lalo na ngayong nagsanib puwersa na si Digong at
Bato. Hindi kailanman dapat gawing katwiran ang kahirapan para gumawa ng isang
kamalian higit pa ang pagtutulak ng droga.
Lutang ang isip ni Michael. Kanina lang ay
desidido na siyang sumuko sa kapulisan pero ngayon ay nagdadalawang-isip na
naman siya kung ‘yun ba ang pinakatamang desisyon. Ang pagsuko niya bang ‘yon
ay magiging susi sa kanyang pagbabagong buhay o ito ang magdadala sa kanya sa
kapahamakan.
Bagama’t bagong bihis alam niyang
umaalingasaw sa baho ang kanyang pagkatao pinipilit niyang iwaksi ang lahat ng
kasalanang nagawa niya sa batas at sa kapwa pero mas nananaig ang mga daing ng
biktima ng droga na kanyang kalakal. Wala pa man sa puwesto si Duterte ay
binabalak na niyang kumalas sa sindikato dahil alam niyang habang tumatagal ay
tila nasa kumunoy siyang nagpapalunod sa kanya sa tuwing siya’y kumikilos.
Madali para sa iba ang sabihing ‘magbago’
pero para sa tulad ni Michael na tila itinakwil ng lipunan paano nga ba ang
magbago kung walang tatanggap sa kanya bilang isang tao? Ang pintuan para sa
pagbabagong buhay sa mga tulad ni Michael ay nakapinid at walang sinuman ang
may pagnanais na ito’y buksan para sa kanya. Bagama’t may mabubuti ang loob
pakiramdam ni Michael pawang ito’y pakitang tao lamang. Ang alalahanin sa
pagtumba at pagtimbuwang ng mga taong nasasangkot sa droga, may direktang
kinalaman man ito o wala ay ang nagpapasikip sa daang tinatahak ni Michael.
Kung mapanganib ang magtulak tila mas
mapanganib pa ang kumalas sa grupo nila Chief Garcia. Ang pagkalas sa
sindikatong kanyang kinabibilangan ay tila katumbas ng pagpapatiwakal. Pero mas
matimbang para kay Michael ang kagustuhang magbalik loob sa pamahalaan, ang
isuko sa kapulisan ang kanyang nalalaman, ang magbagong buhay para sa umaandap
na kanyang kinabukasan.
Hindi lingid kay Michael na may namamatay o
sadyang pinapatay kada araw at lahat umano ito ay may kaugnayan o kinalaman
di-umano sa droga – mga biktima na tulak daw o bumabatak lang, lehitimong
operasyon ng pulisya o napagtripan lang ng ‘vigilante’, miyembro man ito ng
sindikato o ginawan lang ng karatula na may nakalagay na: “’Wag tularan tulak
ng droga”.
Ang pagbabalik-loob at pagbabagong buhay ng
mga gaya niya ay tila unti-unting nabubura sa gobyernong prayoridad ang
pagsugpo sa droga sa kahit anong paraan at sa lipunang kinukunsinti ang madugong
patayan kesehodang dumarami ang inosenteng biktima at walang kinalaman na kung
tawagin ng iba ay “collateral damage”.
Lakad-takbo ang ginagawa ni Michael sa
masikip na eskinitang lalong pinapasikip ng pangambang anumang sandali’y maari
siyang itumba ng kung sino – mga pusakal na naka-bonnet na “nililinis ang
maruming bansa”, mga kasapi ng sindikato na patatahimikin siya para walang
sumingaw na ingay at mga parak na trigger-happy na tataniman ka ng ilang piraso
ng droga at ng paltik na baril at sasabihing ikaw’y nanlaban para magmukha
itong kapani-paniwala.
Walang patutunguhan ang paglalakad na ‘yon
ni Michael, kung ihahambing sa kalagayan ngayon ng bansa masasabing pareho
itong walang tiyak na direksyon.
Ang small time na sabit lang sa pagtutulak
ng droga na si Michael ay may malaking pag-aagam-agam sa pulis, sa gobyerno at
sa kanyang buhay, ‘di tulad ng mga big time na druglord na komportableng
naninirahan sa ibang bansa, nakangising nanonood ng balita at kinukutya ang
kalagayan ng mga pinapaslang na mga biktima – tunay ngang mabilis ang hustisya
para sa mahihirap at proseso ang panawagan ng mga naroroon sa itaas.
Ang pag-asa at pangarap na kanyang
tangan-tangan ay tila humuhulagpos sa kanyang maruming kamay, sa halip ay
napapalitan ito ng desperasyon, pag-alala at pagkadismaya sa araw-araw. Ang
halos dalawang buwan niyang pagkakasangkot sa droga ay parang katumbas ng
dalawang dekadang krimen kung ito’y ituring ng batas na marapat lang na
tumbasan ng parusang dagliang kamatayan. Ito siguro ‘yung sinasabi ng pangulo
na: “Gagawin ko ang lahat para sa kapakanan ng Filipino, kahit ipagpalit ko pa
ang aking buhay, karangalan at pagkapangulo.” Ganito siguro ang kaparaanan ng
gobyernong ito para maprotektahan ang mga Filipino.
Gustuhin man niyang sumuko upang magkaroon
ng puwang ang pagbabago ay ‘di niya magawa. Nakakabahala kasi ang pagwawalang
bahala ng mga otoridad sa buhay na para bang hayop na lang ito kung katayin ng
mga parak.
Paano nga ba sisimulan ang pagbabago kung
sa umpisa pa lang ay pinuputol na ng may kapangyarihan ang binhi ng pagbabagong
balak mong itanim?
Paano nga ba lalago ang pag-asa kung ang
dapat sanang aayuda sa pag-usbong nito ang siyang magkakait at maglilibing sa
pag-asang inaasam mo?
Paano nga ba magigising sa isang bangungot
kung ang dapat sanang sa iyo’y gigising ang siyang maghahatid sa’yo sa lugar na
‘di ka na makakabangon?
Paano nga ba makakaalis sa kadiliman kung
ang iiwanag ay inilayo at ipinagkait sa iyo ng mga naglilinis-linisan?
“’Yan ‘yung Michael pre…” dinig ni Michael ang
mga salitang ito mula sa kanyang likuran.
Hindi man niya tiyak kung ano ang balak ng
dalawang aninong nag-uusap ay tiniyak na niya sa kanyang sarili na ito na ang
kanyang katapusan. Tinangka niyang
bilisan ang paglalakad pero bago pa man niya gawin ‘yon ay anim na putok ng
baril ang bumasag sa katahimikan ng hapong ‘yon.
“Bang!
Bang! Bang! Bang! Bang! Bang!” Sunod-sunod ang putok, walang patid. Walang
awa, walang pagsisisi.
Sa kabila ng kaliwanagan ng hapong ‘yon ay
isang lalaki na naman ang tumumba, duguan at walang buhay.
Sa kabila ng kaliwanagan ng hapong ‘yon ay
may pamilya na namang nasadlak sa madilim na kinabukasan.
Sa kabila ng kaliwanagan ng hapong ‘yon ay
may biktima ng karahasang pinupuri ng karamihan sa halip na kamuhian.
Ang salarin ng krimen ay dalawang lalaking naka-bonnet na
agad na sumakay sa motorsiklong walang plaka. Humarurot at saglit lang ay naglaho. Dalawang lalaking walang pagkakakilanlan.
Nagkagulo ang mga tao.
Pinagpiyestahan ang nangyaring krimen.
Dumarami ang umuusyoso.
May kumukuha ng litrato kabilang na ang
ilang miyembro ng media na agad na nasa lugar nang pinangyarihan ng krimen habang tumatangis ang asawang yakap-yakap ang biktimang pinaslang at pinagkaitan ng karapatang
mabuhay sa mundo. At ang iba’y nagbubulungan, tila nagbubunyi at hinuhusgahan
ang malungkot na sinapit ng kaawa-awang biktima ng karahasan.
Hindi alam ni Michael kung ikalulungkot o ikatutuwa
niya ang pagtimbuwang ng isang biktimang may kinalaman umano sa droga. Na sa
kasamaang palad ay nagkataong kapangalan niya.
Labels:
bato,
digong,
duterte,
EJC,
kathang-isip,
maikling kuwento,
Riding in tandem,
War on Drugs
Subscribe to:
Posts (Atom)







