Habang sinusulat ko ito ay hindi pa nadidiskubre ang fountain of youth o anumang bagay na makakapagpalawig ng husto ng buhay ng tao. Mayroon akong Gerontophobia at katulad ng marami, nais ko ring mamuhay na taglay ang kutis at balat na hindi nakaluyloy, walang pileges ang noo, hindi paika-ika ang lakad, walang makapal na antipara at may alistong kilos na pisikal at pag-uutak. Alam kong malayo ito sa katotohanan at malabong mangyari at maganap sa hinahaharap tulad nang pagkalabo ng tubig na nasa masukal na kanal dahil lahat tayo ay nakatakdang humina at tumanda. Gusto kong isipin na ang katandaan ay parusa ng langit sa lahat ng kasalanang ating nagawa noon ating kabataan.
Gusto
kong maging imortal (hindi imoral) hindi dahil takot ako sa kamatayan kundi
dahil gusto kong malasap pa ang sarap ng buhay. Sa average life pan ng tao na 70-75
years old naiiklian ako dun, gusto kong mamuhay ng higit sa isang-daan taon
pero hindi uugod-ugod; sa ganoong edad sana’y hindi pa lipas ang aking pagiging
matikas, hindi pa laos at paos at hindi pa tinatalo ng antok ang libog. Ngunit
paano ba maging imortal? May paraan ba para maging tayo’y mamuhay nang
pagkatagal-tagal kung hindi man imortal?
Ito ang ilan sa mga tip na aking nakalap para tayong lahat ay maging "Imortal".
- Kailangang makita mo ang iyong crush sa loob ng isang araw. May nabasa ako sa internet; sabi daw sa Reader’s Digest sa tuwing makikita mo ang crush mo ay nai-extend ang ating buhay ng apat na oras; alam naman natin hindi ito totoo pero for the sake of humor paniwalaan natin ito. Halimbawang consistent natin itong ginawa sa loob ng isang taon; nadagdagan ang buhay natin ng 60 days. Heto ang formula: 4 hours@365 days = 1,460 hours divided by 24 = 60.833 days. Kung may katotohanan ito, marami-raming araw/taon ding karagdagan sa buhay natin ‘yan.
- Huwag Magsigarilyo. Hangga’t may panahon itigil ang paninigarilyo dahil ang hindi raw paninigarilyo ay nakapagdadagdag ng ating buhay ng humigit kumulang sampung taon! Kung ang average life span ay 70 years old magiging 80 years old na ito dahil hindi ka naninigarilyo. Dito galing ang source. CLICK.
- MAGKONTROL sa pag-inom ng anumang uri ng alak. Ang mga taong talamak sa pag-inom ng alak ay bawas ang haba ng buhay ng higit sa labing-limang taon at kung minsan ay aabot pa ito sa dalawampu depende sa pagka-adik. Ngunit ang pag-inom naman nang katamtaman ay nakakatulong daw sa ating kalusugan. Kung nais mong mabuhay ng mas matagal dapat hinay-hinay lang sa paglaklak dahil imbes na 70 years old ang itagal mo sa earth baka hindi ka pa umabot ng limampu. May karagdagang impormasyon dito: CLICK.
- Magkaroon ng regular na exercise nang at least 150 minutes every week. (+7.2 years). CLICK.
- Limang paraan pa para magdagdag ng 22 years sa buhay mo:
- Kung alukin ka ng “soup o salad”? Salad ang piliin mo. (+2 years)
- Ang labis na tabang nasa katawan mo ngayon ay maaring kumitil ng buhay mo bukas (+3 years)
- Ngumuya at kumain ng nuts (walnuts, almonds, peanuts, etc.) limang beses isang linggo (+3 years)
- Magkaroon ng marami at matinong kaibigan (+ 7 ½ years)
- “May buhay pa pagkatapos ng Retirement” – mentalidad na dapat isaisip makalipas mag-retire (+7 ½ years)
- Ni-research ko 'yan dito. CLICK.
- Maging vegetarian. Ang pagkain daw ng literal na karne ay risk sa iba’t ibang sakit samantalang ang pagiging vegetarian (isama na natin ang prutas) naman ay nakakapagdagdag ng halos sampung taon sa iyong buhay! Ang dami nun. Basahin mo ito: CLICK.
- Ilan pang simple at di-simpleng tips/pag-aaral na makakapagdagdag taon di-umano sa ating buhay.
- Matulog ng sapat lang (six to eight hours).
- Humalakhak at tumawa.
- Watch your weight.
- Have lots of children.
- Mag-aral mag-piano.
- Maging optimistic.
- Mag-develop ng espesyal na relasyon/closeness sa iyong ina.
- Patuloy na mag-aral.
- Be health conscious take regular physical check-up.
- Enjoy Chocolate.
- Mag-tsaa imbes na kape o cola.
- Mag-relax.
- Huwag dalhin ang trabaho sa bahay (lalo kung embalsmador ka).
8.
Mag-alaga ng hayop; i.e. aso, pusa, isda, etc.- Nakakabawas
daw ng depresyon ang pag-aalaga ng hayop; nakakapag-reduce din daw ito ng blood pressure. (+2 years) may tatlo akong
aso sa ngayon ibig sabihin may anim na taong karagdagang buhay. :-)
9. Alam niyo ba na ang magtrabaho daw sa isang maganda,
kontento at komportableng workplace lalo na ang kwartong may magandang tanawin
ay nakakapagdadag din ng buhay? Mahirap nga naman magrabaho kung nakakairita sa
mata ang iyong palaging nakikita. (+2 years)
10. Make your marriage work. ‘Pag tunay na pagmamahal ang
nananahan sa puso ninyong mag-asawa ma-a-outlive mo daw ang mga taong divorced,
widowed o unmarried. Ayon sa pag-aaral, mayroon din daw kapasidad na
mag-survive sa cases ang happily married couple. (+7 years)
Ang detalye at impormasyon sa 8-10 ay galing dito. CLICK.
11. Ito ang pinakapaborito ko: MASAGANANG SEX LIFE. At least 100 good sex
encounter per year can increase life expectancy by 3 to 8 years. Akalain mo
‘yun nag-eenjoy ka na sa sex may benepisyo ka pang makukuha! HUWAG mo lang
gagawin ito sa asawa ng iba dahil imbes na humaba ang buhay mo tiyak na mapapadali
ito. Basahin mo ito. CLICK.
12. Ang pinakahuli ngunit PINAKA-importante. Find GOD. Have Faith.
Scientist na ang nagsabi na ang mga aktibo sa religious service &
activities at least once a week ay 35% na higit ang haba ng buhay sa kulang sa
paniniwala at pagmamahal sa Diyos. (+7 years) Maniwala ka dito. CLICK.
Kung susumahin at gagawin mo ang lahat ng mga nasa itaas; hindi ka man maging literal na imortal kahit papaano ay madadagan ang haba ng iyong buhay. Ngunit sa dinami-dami ng dapat nating gawin at sundin malamang hindi mo na rin ma-enjoy ang saya at sarap ng buhay at katulad ng ating buhay ang marami sa mga nasa itaas ay hindi simple dahil nangangailangan ito ng matinding disiplina sa utak, emosyon at katawan.
Hindi naman natin kailangang mabuhay ng pagkatagal-tagal kung nabubuhay ka lang para sa sarili mong kasiyahan. Hindi natin kailangan ng mahabang buhay kung nabubuhay ka na puno ng galit at paghihimagsik at hinanakit ang puso mo. Ayos na siguro ‘yung nabuhay ka ng hindi gaanong mahaba per ito’y payapa at puno ng pagmamahal sa kapwa. Kung nagawa natin ‘yun higit na kapayapaan at pangarap na imortalidad ang maghihintay sa atin sa kabilang buhay.
Kung susumahin at gagawin mo ang lahat ng mga nasa itaas; hindi ka man maging literal na imortal kahit papaano ay madadagan ang haba ng iyong buhay. Ngunit sa dinami-dami ng dapat nating gawin at sundin malamang hindi mo na rin ma-enjoy ang saya at sarap ng buhay at katulad ng ating buhay ang marami sa mga nasa itaas ay hindi simple dahil nangangailangan ito ng matinding disiplina sa utak, emosyon at katawan.
Hindi naman natin kailangang mabuhay ng pagkatagal-tagal kung nabubuhay ka lang para sa sarili mong kasiyahan. Hindi natin kailangan ng mahabang buhay kung nabubuhay ka na puno ng galit at paghihimagsik at hinanakit ang puso mo. Ayos na siguro ‘yung nabuhay ka ng hindi gaanong mahaba per ito’y payapa at puno ng pagmamahal sa kapwa. Kung nagawa natin ‘yun higit na kapayapaan at pangarap na imortalidad ang maghihintay sa atin sa kabilang buhay.
No comments:
Post a Comment