Founder: Rene Lacoste & Andre Gillier
Nationality: French
Taon at Lugar na pinanggalingan: 1933. Troyes, France
Manufacturing country: France, Peru, Morocco, China
Pagbigkas: luh-kawst; luh-kost (pwede ring) la-kawst (French diction) sa mga hindi nakakaalam na silent "e" pala dapat, binabasa nila itong: lah-kos-teh
Mga produkto: Footwear, Pabango, bags, wallet, relo, leather goods, eyewear at marami pang iba pero concentrate tayo sa DAMIT
Materyal na ginamit: primera klase ng telang yari sa primera klase ring bulak. ultra-soft pique cotton (sosyal pakinggan!)
Presyo: Depende. Ipagpalagay nating isang Polo-shirt ng Lacoste mga sampung (o higit pa) pirasong Bench na damit; kalahating buwang suweldo ng isang ordinaryong mangagawa ay katumbas ng isang pirasong Lacoste; halaga ng tatlong piraso nito ay makakabili ng loteng ilang-daang metro kuwadrado ang sukat sa probinsiya ng iyong kasambahay
Mga Nagsusuot: Mga taga-alta-sosyedad, mga sosyalin, mga brand conscious, mga gustong magmukhang mayaman, mga nagyayaman-yamanan, Mga mayayaman
No. of Filipino Employees: Walang kumpletong detalye
Malulupit 'di-umanong katangian:
- pamporma
- it boosts confidence (naks!)
- feeling proud
- may malambot at kakaibang tela (o it's all in the mind?)
- komportable (?)
- habang nadadagdagan ang kulay at disenyo nadadagdagan din ang presyo
- casual clothes na pwede na sa mga simpleng okasyon
- ayos iporma habang idinidisplay ang maporma ring iPhone 4
- hindi ka gaanong kakapkapan ni Manong Guard ng SM lalo't kung sa entrance ka ng Parking dumaan
- nagbibigay ng kakaibang angas
- feeling ka-level ang mga artista at celebrity na mahilig mag-suot nito
- simple at hindi kakaiba ang disenyo pero may kakaiba raw na karisma
- socially accepted kahit maraming kapareho ang damit
- medyo hindi halatang hindi ka naligo
Pangit na katangian:
- hindi pwedeng magkaroon ng mantsa baka pag-umpisahan ng away
- bawal mabahiran ng ibang kulay at dapat mahusay ang pagkakalaba dahil kung hindi may mura at sumbat ang kasambahay
- hindi bagay sa mga lugar na gaya ng palengke o slum area lalo't ikaw ay mangangampanya
- alanganin kang ipamunas ito sa pawis lalo't sa sipon
- hindi o bihira mag-sale
- ang dami mong bibilhing damit bago ka magkaroon ng discount card
- kung naluluma ay wala ring pinagkaiba sa mumurahing brand ng damit
- Sobrang Mahal.
Mga endorser: Andy Roddick, Hayden Christensen, Richard Gasquet, Stanislas Wawrinka, Jose Maria Olazabal, Colin Montgomerie (malamang isa o dalawa lang ang kilala mo diyan)
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Trade Name: Bench Lifestyle & Clothing, Bench Philippines, Suyen Corporation
Founder: Ben Chan
Nationality:Filipino-Chinese
Taon at Lugar na pinanggalingan: 1987. Manila, Philippines
Manufacturing country: China, Philippines
Pagbigkas: bench (english); bents (filipino)
Mga produkto: Footwear, Pabango, bags, wallet, relo, leather goods, eyewear at marami pang iba pero mag-concentrate tayo sa DAMIT
Materyal na ginamit: combed cotton, polyester, cotton-polyester blend
Presyo: magmula Php199, 299, 399, 499 (pag lumampas ng P500 mahal na 'yun)
Mga Nagsusuot: lahat na uri ng tao, mula masa hanggang sa artista, mula estudyante hanggang pahinante, mula worker hanggang manager
No. of Filipino Employees: 320,000 employees, 700,000 home workers and small sub-contractors
Malulupit na katangian at kakayahan:
- mura
- pamporma din (basta magaling ka pumili at pumorma)
- pang-strike anywhere na damit
- sulit ang halaga (it's getting more than what you pay for. hahaha)
- (halos) may kapareho ding tela ng mamahaling damit
- kahit madagdagan ang kulay at disenyo ganun pa din ang presyo
- madalas naka-sale ng 10% hanggang 30%
- pwede sa mga simpleng okasyon (again, basta magaling kang pumili at pumorma)
- hindi ka gaanong magmumura o manunumbat kung sakaling mamantsahan, mahawaan ng ibang kulay o masukahan ng barkada mong parating unang malasing
- maaring ipang-punas ng pawis sa kili-kili at iba pang parte ng katawan
- maaring gawing parang mask ng ninja
- matutuwa ka 'pag may nakita kang artista sa TV na pareho ng nabili mong damit
- may lifestyle card. dito mo iipunin ang mga points na nabili mo sa bench at sister company nito (at mura lang ito)
- sa panahon ng kagipitan at wala kang dalang panyo o facetowel, maari itong ipamunas sa likidong malagkit at puti na kung tawagin ay...sipon (pwede rin 'yung isang iniisip mo:-))
- okay lang na ipang-tulog o ipang-bahay kung tinatamad kang magpalit ng damit galing trabaho o sa gimik
Pangit na katangian:
- mas maha-highlight ang mamahalin mong gadget kaysa sa ordinaryo mong Bench Shirt
- todo-kapkap sa'yo si Manong Guard ng SM
- mas madalas may kapareho kang disenyo ng damit
Mga endorser (past & present incomplete list):
Locals: Richard Gomez, Richard Gutierrez, Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Christian Bautista, Teddy Locsin, Karylle, Jon Hall, Gerald Anderson, Kris Aquino, Borgy Manotoc, Diether Ocampo, Lucy Torres, Dingdong Dantes, Kim Chiu, Rayver Cruz, Rica Peralejo, John Prats, Lovi Poe, Sam Concepcion, Angelica Panganiban, Sam Milby, Jake Cuenca, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Zanjoe Marudo, Katrina Halili, Geoff Taylor, Jay-R, Carla Abellana, Kathryn Bernardo, Julia Montes, Albie Castro, Wendell Ramos, JC De Veyra, Enchong Dee, Coco Martin, Georgina Wilson, Regine Angeles at ang malupit na tambalang: Jason Francisco at Melay Cantiveros.
Foreign: Qu Ying, Jerry Yan, Nicole Sherzinger, Michael Trevino, Lu Yan, Peter Ho at Bruno Mars.
ANG HATOL: SA PANAHON NG RECESSION NA KAHIT ANG MGA MAUUNLAD NA BANSANG AMERIKA, GREECE, ITALYA AT IBA PA AY NARARANASAN ITO MAS MAKABUBUTI (SIGURO) NA BUMILI NG BENCH PRODUCTS O ANO MANG LOKAL NA PRODUKTO NA MASUSULIT ANG HALAGA NG IYONG PISO. MAKAKATULONG KA NA SA MILYONG PILIPINONG EMPLEYADO AT MANGGAGAWA NITO AT SA MGA PABORITO MONG CELEBRITY :-) MAY MAITATABI KA PA AT DUDUKUTIN SA ORAS NG PANGANGAILANGAN. KUNG SASABIHIN MONG: "ANONG PAKIALAM MO PERA KO NAMAN 'TO?" SASAGUTIN KITA NG: HINDI KITA PINAKIKIALAMAN NAGPAPAYO LANG AKO AT SAKA BLOG KO 'TO, BAKIT BA?". KUNG HUHUSGAHAN MO NAMAN AKO NA: "HINDI KO KAYANG BUMILI NITO (LACOSTE) AT NAIINGIT LANG AKO", SASAGUTIN KITA NG: "MAY ILANG PIRASO AKO NITO AT HANGGANG NGAYON AY NAISUSUOT KO PA" PERO SA TINGIN KO HINDI NA ITO WORTH SA PANAHON NGAYON. KUNG MAY LABIS KANG PERA WALANG PROBLEMA BILI KA NITO, BILHIN MO 'YUNG LIMITED EDITION 'YUNG MARAMING BUWAYA PERO KUNG 'DI PA NAMAN GANUN KARAMI, IPON KA MUNA 'TOL BAKA MAY IMPORTANTENG PAG-GAGAMITAN KA PA NG PERA MO SA IBANG PANAHON.
Pahabol: Hindi ako binayaran ng Bench para dito.
it depends.. haha :)
ReplyDeletei prefer bench than lacoste. 'coz bench is much cheaper than lacoste. mas afford ko bumili. xD
ReplyDeletemas sosyal yung lacoste. i love lacoste!.
ReplyDeletemka bench tlga ako!. i like the style of their clothes. in na in sa fashion. :D
ReplyDeleteilove bench!. type na type ko ang mga models!. haha!
ReplyDeletetkot ako sa lacoste. bka ksi mangagat ung crocodile.. wee. xD wolo lng.
ReplyDeleteyehey may 6 comments nah!.oh diba?.
ReplyDeleteif you have some inquiries, you may txt me @ 09395848844. ayan!. txtmate n tayo. chos!
ReplyDeletewhy are you comparing the two brands?. they have their own uniqueness. both are distinct w/ each other. :)
ReplyDeleteha? ano daw?.
ReplyDelete