Monday, December 30, 2013

Dear 2014






Dear 2014,

Ilang oras na lang nandito ka na kaya naman lahat ng tao'y naghahanda sa pagsalubong sa'yo lalong-lalo na dito sa bansang mayaman sa kalamidad, hitik sa kwentong karahasan at siksik sa kasaysayan. Masaya at walang katulad ang selebrasyon dito sa kahit na anong okasyon lalo na sa tuwing sasapit ang ang bagong taon tulad ngayon;
- may mga bibili ng napakaraming paputok kahit kapos sila sa pambili ng pagkain,
- may magdiriwang at magpapakalango sa pag-inom ng iba't ibang uri ng alak na akala mo'y wala ng bukas,
- may magpapasikat na magpapalipad ng fireworks na pantanggal umano ng malas,
- may maghahain sa mesa ng 'sandosenang bilog na prutas na kanilang bibilhin kahit alam nilang overpriced at medyo bulok na dahil sa pag-aakalang suswertehin sila 'pag meron nito sa pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi.
At hindi na yata mawawala ang balita sa mga taong mapuputulan ng kani-kanilang spare parts sa katawan dahil sa katigasan ng ulo at kapabayaan at ang nakakalungkot may ilang magbubuwis ng buhay dahil sa pagiging iresponsable ng iilan na walang habas kung magpaputok ng kanilang kalibre. Tradisyon na raw kasi na dapat i-celebrate o ipagdiwang.


Marami na ang sabik sa'yo kabilang na ang kapitbhay kong tsimosa si Aling Conching dahil sa dala mo raw na bagong pag-asa, ika nga nila bagong taon katumbas ng bagong pag-asa. Sana nga ikaw na ang hinihintay namin sa mahabang panahon, sana nga hindi kami magkamali sa bago naming pag-aakala kahit alam naming napakaliit ng tsansang mababago mo ang nakagawiang sistema dito sa amin at napakaliit rin ng porsyentong mapagniningas mo ang naghihingalo naming ekonomiya na kinagisnan na ng aming mga ninuno sa isang iglap lang ngunit dahil resilient daw ang mga pilipino hindi kami agad susuko. Kahit nga ngayong huling bahagi na ng 2013 hindi pa rin kami bumibitaw at sumusuko, kumapit pa rin kami at sumampalataya na aalwan at giginhawa ang aming pasko at bagong taon.


Aaminin namin medyo bulag at sinungaling kami sa aming negatibong namamasdan sa paligid, alam naming hindi kami umaangat at umaasenso pero in denial pa rin kami dito, alam naming hindi pa hinog sa paghandle ng problema ang pangulo namin pero mataas pa rin ang gradong binibigay namin sa kanya, alam naming higit na marami ang nagugutom sa malaking bahagi ng bansa pero pinaniniwalaan pa rin namin ang isinasagawang huwad na survey - patay-malisya lang kami sa tunay na kalagayan ng bansa at naniniwala kaming lahat sa press release ng NEDA at gobyerno partikular ang MalacaƱang.


Sana 2014 wag mo kaming biguin 'wag mong gayahin si 2013 at 'yung napakaraming taon bago pa siya sana may dala kang swerte at magandang kapalaran para sa amin sawa na kami sa kamalasan, delubyo at karahasan. Sana kahit hindi mo ganap na mabago ang aming kapalaran 'wag mo kaming paasahin lang. Batid naming hindi ito madali at lahat ng aming inaasahan ay hindi magagawa ng overnight pero sana hindi mo kami mabigo sa ilang mga bagay, kahit kaunti lang please naman makita lang namin na medyo mabawasan ang bilang ng nagugutom na pamilya ay okay na sa amin 'yun. Kung pwede lang 'wag ka nang magsama ng super bagyo, super lindol at super storm surge sa kabuuan ng 12 months na pagstay mo sa amin - hassle kasi 'yun, hindi na nga kami umaasenso nababawasan pa ang production namin ng gulay, prutas at bigas and the worst is bukod sa bilyon-bilyong pisong damage sa amin, libo-libo pa ang namamatay sa tuwing may ganitong natural calamities. Hindi ko ito tatawaging Acts of God dahil 'pag ganun ang term parang biniblame natin si God sa lahat ng 'di magandang nangyayari sa ating bansa.

Very obvious naman na gusto na naming limutin at iwan ang puno ng kamalasan na si 2013, hindi naman kasi maikakaila na ang papalitan mo sa pwesto ay tila may dalang sumpa. Sa loob lang ng tatlong buwan quota na agad kami sa mga delubyo at debastayon nagkaroon ng madugong digmaan, mapangwasak na lindol at walang kasing lupit na super bagyo, idagdag ko pa ang panaka-nakang sakuna sa kakalsadahan tulad ng mga bus, mga asasinasyon at bangayang involved ang magigiting naming pulitko. Okay naman na magkaroon kami ng bagyo given na kasi 'yun sa katulad naming tropical country pero 'wag naman 'yung katulad ni Yolanda na singbilis yata ng F1 na sasakyan ang hangin o lindol na kasing-level ng Hiroshima Bombing during World War 2; makabangon at makabwelo man lang kami mula sa aming pagkakadapa mula sa trahedya at sakuna.

O mahaba na ito, to sum it up simple lang naman ang hiling naman sa'yo, less calamities, less violence, less controversies, less corruption at less mistakes from the government at more blessings.

2014, Welcome to our home.
Goodluck and may the good vibes you carry will stay throughout the whole year!

Hoping and anticipating,

A Filipino citizen


P.S.
Kung hindi man totally mawala, sana man lang ay mabawasan ang mga taong mahilig sa selfie pagdating mo; tama nang naging word of the year ito sa Oxford, tama na ang isang buong taong naflood ang aming Social Networking site nito, itigil na ang walang humpay na GGSS ng marami. Sabi nga ni Chris Tiu, 'The youth should do more than selfie.' at sana maging productive din sila at 'wag tumulad sa aming mga pulitiko.

5 comments:

  1. Ito ang tunay na year-end post! *hehe* Dami mong napansin Kuya Ramil na hindi ko naiisip before, lalo na yung tungkol sa pag-celebrate ng New Year. Iba ang panahon ngayon, kaya dapat ang mga tradisyon, nagbabago na rin diba.

    At agree ako sa selfie na yan. Although minsan ginagawa ko rin yan, alam ko naman ang limitations ng isang bagay. Happy New Year sa'yo at sa pamiya mo Kuya Ramil! More posts from you sa 2014 ha! :D

    ReplyDelete
  2. isa sa mga di ko maunawaan kung bakit nga ba kailan na madami ang pagbili ng paputok kung pude naman na 1 o 2 lang.
    Pero di ba, pude naman gawin ang isang tradisyon sa maayos at mahusay na pamamaraan kung kakayanin.


    agree ako dun sa selfie, kaya next year medyo bawas-bawasan ko na.. hehhe..

    Hapi new year sir Ram...

    ReplyDelete
  3. Happy Happy New Year.... sana maging okay ang 2014 sa ating lahat.... ^^

    ReplyDelete
  4. hihi, lampas sa selfie. hamo, try ko, whaha... :)

    ReplyDelete
  5. Let's hope and pray that this year would be a better year than 2013.
    Ate San, pwede pa ring magselfie bawasan lang ng kaunti. :)

    ReplyDelete