Hi!
Hindi ko na itatanong kung okay ka dahil
alam ko naman na lagi kang okay at dahil isa ito sa sobrang daming
magandang ugaling taglay mo na aking hinahangaan; ang maging positive sa
halos
lahat ng bagay, ang makasilip ng liwanag sa kabila ng pagiging madilim
ng nasa paligid, ang makita ang kagandahan ng isang bagay sa kabila ng
pagiging hindi maganda nito.
Sobrang saya nang
pakiramdam na nagri-response sa iyo palagi 'yung taong gustong- gusto
mong makausap (psst, oo ikaw 'yun) na sa sobrang gusto mo siyang laging
makausap ay ingat na ingat kang magbitaw ng salitang makakapagpababago
ng mood niya o anumang negative na magre-result sa hindi niya na muling
pag-reply sa iyo parang lyrics sa kanta na "Afraid for love to fade"...I would rather say an awkward words than lose you. Kaya
if you ever feel than I am offending you in some way that I didn't
notice sabihin mo naman, sabihin mo rin kung ano 'yung mga hindi okay
sa'yo kasi wala akong kakayahang basahin ang isip mo dahil ayaw kong
mamiss ang mga "good morning" mo tuwing umaga at ang mga replies mo sa
email or FB.
I am happy for you and I just don't know
kung paano mo naappreciate or should I say napagtitiyagaan yung mga
kakulitan at kalokohan ko. Ilang beses na ba akong nag-thank you sa'yo?
Sige sabihin ko ulit: Salamat talaga :). Ang inaalala ko lang parang
nasanay na ko na lagi kang nandiyan, paano kung bukas o sa isang araw
hindi mo na makuhang makapag-reply? Iniisip ko pa nga lang yung
dumarating na mga araw na tuluyan ka nang mawawala nalulungkot na ko
(totoo 'yun). Wala naman akong kapasidad na pigilan 'yung dapat na
mangyari, the only thing I can do is to accept. As you leave, maiiwan mo
sa akin yung positivity mo siguro kung nabigyan lang ako ng opportunity
to know you personally mas marami ka pang mapapamana sa akin.
Sabi
nga 'di ba, "everything happens for a reason"; may malalim na dahilan
kung bakit kailangan mong makahanap ng bagong career, may magandang dahilan kung bakit kailangan mong mag-abroad, may reason kung
bakit tayo nagkakausap ngayon at gusto kong ipilit at isingit; may
reason kung bakit nakilala mo ang isang tulad ko.
Hindi man natin maintindihan at malaman sa ngayon kung ano ang mga reasons behind our questions someday, somehow we'll realize it. Hindi man natin alam kung bakit may mga nakahambalang minsan sa ating dinaraanan 'pag nalampasan natin ito dun pa lang natin malalaman ang kahalagahan nito.
Hindi man natin maintindihan at malaman sa ngayon kung ano ang mga reasons behind our questions someday, somehow we'll realize it. Hindi man natin alam kung bakit may mga nakahambalang minsan sa ating dinaraanan 'pag nalampasan natin ito dun pa lang natin malalaman ang kahalagahan nito.
Alam
mo kung ano pa yung maaalala ko sa'yo? Siyempre yung magandang smile
mo. :). Kung
ide-describe ko 'yung smile mo...para itong sinag ng araw
na perpektong inukitan ng pagkaganda-gandang ngiti na bawat makakakita
nito ay magkakaroon ng masaya at magandang araw sa buong maghapon. Kaya
sa tuwing tinitingnan ko yung mga pictures mo sa FB pakiramdam ko para
akong Ice cream na Rocky Road na binilad sa sinag mo na unti-unting
nalulusaw, natutunaw at nagkakalat. Bakit Rocky Road? 'Yun kasi ang
kulay ng skin ko, haha. Since then, hindi na talaga ako tumitingin sa
mga pictures mo kinu-consider kong pahirap 'yun para sa akin (totoo ulit
yun).
Dati inaabangan at sobrang nag-ienjoy ako
tuwing weekend; ang mag-movie marathon at manood ng 2-3 dvd's on two
separate days at ang mga activities ko sa free time ko na 'yun... pero
ngayon nabawasan na. Hindi na effective ang anumang ganda ng Hollywood
Movies sa ganda ng ating mga conversations (ngiti ka naman). Ang
pagkasabik ko sa weekend ay gradually napalitan ng pagkasabik kong
makausap ka on weekdays; it's an ironic na kung ano 'yung tagal ng
pagkainip ko on weekends ay ganundin naman kabilis ang pag-uusap natin
sa phone (wala pa yatang 5 mins 'yun). Pero siyempre dapat maintindihan
ko 'yun, ako na nga lang ang nakikilimos ng oras ako pa ang demanding.
Haha.
Naalala ko yung reply mo na "not now, not on
this lifetime" sa isang email mo, alam mo para akong baliw nang nabasa ko yun bigla akong
tumawa kahit mag-isa lang ako, naramdaman ko yung kulit mo kahit malayo ka. Haha.
'Yung kakulitan kaya nating dalawa ay mailabas natin kung sakaling
matuloy 'yung dinner or lunch natin? May mapagkwentuhan pa kaya tayo sa dami na ng
topic na napag-usapan natin? O baka naman mag-tinginan at maubos lang
ang oras natin sa kakalamon. Sauce, asa pa din ako!
Saka
'yung message mo na "I always love talking with you", first time ko
'yun marinig and I want you to know that it is indeed music to my ears!
Salamat sa appreciation kahit papaano pala may nag-aacknowledged ng
kadaldalan ko. Ako, I love everything about you! I am not trying to
compete but I love your smile, your simplicity, your
personality, the way you wear your clothes, the way you treat me, your character...basta, I love the way you are.
Again, stay happy. Keep your smiles intact 'coz they will never know what are the reasons behind your smile and it is our greatest weapon to hide our fears and loneliness.
-Geoff
No comments:
Post a Comment