Monday, March 4, 2013

Humaling

Nakaupo ako.
Akin kitang tinitigan. Muli. Ako’y nabighani.
Tinangka kitang kausapin. Sasabihin lahat ng saloobin.
Muli. Ako’y nagdalawang-isip.
Bukas na lang ulit, sabi ko.

Nakaupo ako.
Akin kitang minasdan. Muli. Nahalina sa’yong ngiti.
Heto na, babanggitin ko na. Ibubulalas ang nakakubling damdamin.
Muli. Ako’y tumindig at nagpasintabi.
Bukas na lang ulit, ani ko.

Nakaupo ako.
Akin kitang minalas. Muli. Pumintig ang puso’t isip.
Sa wakas, nakaipon na ko ng tapang. Naibulong na rin na ako ay may pagtangi.
Muli. Tulad ng dati. Wari’y ‘di mo nadinig.
Bukas na lang ulit, baka sakali.

Kung papaano kikibo ang isang larawan sa monitor na ito ay ‘di ko rin alam…

6 comments:

  1. sino ba kasi 'yan?

    Lakas-loob at tahasan mong sabihin sa kanya kung ano man 'yan... Walang sa bawat salita o saknong ng iyong tula ang kasagutan sa mga kagulumihanang mayroon sa iyong dibdib... Sige na, ipagtapat mo... Nambubuyo lang... hahaha

    Dama ang katorpehan mo hanggang dito... hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Fiction lang 'yan, senyor. walang personalan, haha. salamat sa bisita :-)

      Delete
  2. tawa ako sa comment ni Senyor "Dama ang katorpehan mo hanggang dito....
    inpernes ganda ng tula wagas at tagos sa puso ang sinisinta .. kahit fiction lang sya.:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Minsan masarap din ang sumulat pwede mong itago ang katotohanan sa paggawa ng di-umano'y fiction lang, haha.

      salamat zei maya

      Delete
  3. galing nito kuya ramil. Lawak ng imahinasyon . hehhee... Nakakarelate lang? (in a way) :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. dahil nabunyag mo na yung name ko sir bagotilyo hindi na ako anonymous, hahaha

      Delete