Thursday, October 8, 2009

Questions of greatness

Is the greatness of one person measured by...
his educations?
his knowledge he acquired?
his achievements in life?
his preaches & teachings?
his being a good speaker?
his camaraderie & being friendly?
his being a perfectionist?
his being hardworking?
his savings & his wealth?
his status in society?
of his help to to the people?
his legacy that he'll leave?
his dedication to his preferred job?
his expertise on laws?
his expertise on bible?
his survival capabilities?
his leadership?
the number of countries he conquered?
the number of battles he won?
the number of laws he passed and signed?
the number of friends he have?
the number of lives you saved?
the number of jobs he created?
the respect given to him?
the prestige & honor he gave to the country?
his love for his country?
his popularity and being famous?
his attitude towards his family? or the other people?

if by chance we don't possess such qualities... then therefore we have lived and we will leave this life without greatness?

proud akong filipino

proud akong filipino dahil
...ang bansa ko ay pang-86 sa listahan ng pinakamahihirap na bansa sa mundo
...ang bansa ko ay pang-36 sa listahan ng pinaka- corrupt na bansa sa mundo
...ang bansa ko ay pang-30 sa listahan ng top human rights abusers sa mundo
...ang bansa ko ay pang-21 sa listahan ng pinaka-polluted na bansa sa mundo

... ang bansa ko ay pang-12 sa listahan ng pinaka-populated (98M) na bansa sa mundo (sa kabila ng liit ng sukat ng pilipinas - 300,000 sq.km.)
...ang bansa ko ay may pagkakautang na umaabot sa 80 billion dollars
...ang bansa ko ay kabilang sa listahan ng pinakadelikadong lugar para sa journalists at turista
...ang pasig river ay kabilang sa listahan ng pinaka-polluted na ilog sa mundo

...ang bansa ko nagpu-produce ng 6,300 tons o 29,268 cbm na basura
...ang maynila ay pang-12 sa listahan ng cities with worst traffic jam
...ang bansa ko ay pang-6 sa listahan ng pinakamaraming populasyon ng drug addict sa asia
...ang bansa ko pang-7 sa listahan ng bansang may pinakamabigat na problema sa human trafficking & prostitution

...ang bansa ko ay may unemployment rate na 7.6% o aabot sa halos 4M
...ang bansa ko ay may mahihirap na mamamayan na umaabot sa 12M at kinukunsiderang nakararanas ng gutom (pero)
...ang bansa ko ay may 70.4M na cellphone subscribers at
...ang bansa ko rin ay may pinakamalaking bilang ng text messages (400M) sa bawat araw (priority ang load bago ang pagkain)

...sa 50M na registered account ng friendster 13.2M dito ay pilipino
...15.5M naman ang may account sa facebook
...kabilang ang cebu dancing inmates sa most watchable video sa youtube
...pilipino ang gumawa ng i love you virus

...ang senador ng aming bansa ay may "pork barrel" na umaabot sa P200M ($4M) taon-taon
...ang congressman ng aming bansa ay mayroon ding "pork barrel" na hindi kukulangin sa P100Mbawat taon ($2M)
...kabilang man ang pilipinas sa 3rd world country can afford pa rin kumain at gumasta ng aming pangulo ng $20,000 sa isang simpleng dinner lamang
...malaki man ang "pork barrel" ng congress namin pero grossly underpaid naman ang aming mga police, teacher at military soldiers

...ang dati naming first lady ay may world record na 3,400 na pares ng expensive shoes at ang bansa namin ay may mga pinagmamalaking malulupit na achievements na:
>>>>>1. pinakamalaking sapatos
>>>>>2. pinakamalaking golf tournament
>>>>>3. pinakamaraming sabay-sabay na nag-e-exercise
>>>>>4. pinakamalaking parol
>>>>>5. taong pinakamabilis kumain ng sili
>>>>>6. pinakamahabang pila ng barbeque
>>>>>7. pinakamaraming salad na ginawa
>>>>>8. pinakamalaking niluto na durian candy bar
>>>>>9.pinakamahabang banig
>>>>>10. pinakamalaking mall
>>>>>11. pinakalamalaking calamay
>>>>>12. pinakamaraming high school student sa isang paaralan
>>>>>13. pinakamaraming bilang ng kissing couple

...ang bansa namin ay balot ng iba't-ibang controversies at scandals:
>>>>>1. clark centennial scandal, PEA-AMARI Reclamation deal, BENPRES-NLEX deal
>>>>>2. tobacco taxes scandal, jose velarde account, jueteng scandal, plunder cases
>>>>>3. nbn-zte deal, hello garci scandal, north-rail project, macapagal highway scandals, fertilizer scam, jose pidal caper, malacaƱang bribery scandal, PIATCO scandal, ombudsman conspiracy
>>>>>4. euro generals controversy, le cirque dinner, etc.

...ang bansa namin ay may ratio na:
>>>>>1. 1 doctor to 28,000 patients
>>>>>2. 1 hospital to 113,040 patients
>>>>>3. 1 nurse to 22,309 patients
>>>>>4. 1 police to 2,789 filipinos
>>>>>5. 1 teacher to 56 pupils

...sa aming bansa ay patuloy na lumalaki at dumarami ang problema sa:
>>>>>1. palaboy, pulubi at squatter lalo na sa maynila
>>>>>2. illegal drugs particulaly shabu & marijuana
>>>>>3. pollution, basura at lugar na permanenteng pagdadalhan nito
>>>>>4. rampant bribery at graft practices from top to bottom gov't offices & officials
>>>>>5. low tech military firearms & weather equipment
>>>>>6. emergency response facilities, equipment & personnels
>>>>>7. uncontrollable bandits & rebels
>>>>>8. high rising petty crimes due to poverty

sa dami ng mga checklist na nabanggit, talagang dapat maging proud akong pilipino. siguro may nakaligtaan pa ako pero hindi rin naman makakaapekto ito sa pruweba na dapat tayo ay maging PROUD.

'pag napunta ka sa ibang bansa, europe, america or asia man at sinabi mong pinoy ka... lalo kang magiging proud maging pinoy kasi "astig" ang tingin nila sa'tin kahit itanong mo pa sa friends or relatives nyong galing abroad. nakakalungkot isipin pero parang walang magiging progreso ang bansa natin sa susunod na 10-15 years sa dami ng kinakaharap natin na problema. how can we pay 80 billion dollars with all that graft & corruption?

hindi ibig sabihin na 'pag maraming cellphone subscribers o computer users sa isang bansa ay umuunlad na'to, madalas mas nagiging priority pa ng isang indibidwal ang load o ang pag-i-internet kaysa pagkain ng pamilya.
hindi ibig sabihin 'pag malalaki o dumarami ang malls sa isang bansa ay umuunlad na 'to, madalas mas nagiging pasanin pa'to ng isang indibidwal dahil sa kagagamit ng credit card, fyi as of 2007, ang credit card receivables sa pilipinas ay aabot sa P116.1 billion hindi pa updated 'yan. ilang milyong pilipino ang nabaon na sa credit card o personal loan sa bangko, kooperatiba o sa simpleng kaibigan mo lang?

nakakatulong ba sa'tin ang kagustuhan na pagbi-break ng kung anu-anong world record? ano ngayon kung tayo ang may pinakamalaking bibingka? achievement ba yun? waste of time & money.

proud lang talaga yata tayong maging true pinoy kung nananalo si pacquiao.

ikaw proud ka rin bang maging pilipino?

Disclaimer:

The information contained herein is derived from public sources and is current to the best of my knowledge. Likewise, the opinions and analysis express by the writer believed to be reliable but no representation, expressed or implied, is made as to its accuracy or completeness. For detailed and definitive information about other countries ranking status in different categories, please google at your own risk.